XXII : Camping Trip (Frame Up)

622 42 6
                                    

─── C E R L ───

"Itigil mo 'yan Cerulean!" pagpigil sa akin ni Mrs. Alfonso. Maging siya pala ay nadala ni Quinny sa pagpapanggap nito.

"Maawa ka kay Quincy!" sigaw ng mga estudyanteng walang alam sa nangyayari. Gusto kong tumawa pero hindi ko ginawa dahil I need to focus sa pag-po-portray sa character ko.

"What should I do next? Stab you using this knife? Like what you have done to Rico and Ethel?" tinatamad na tanong ko kay Quinny. Ugh, I hate acting.

"Tumigil kana! Hindi pa ba sapat sayo na pinatay mo ang boyfriend at bestfriend ko?! Dinamay mo pa ang inosenteng si Azura!" pagpigil niya sa akin with her voice raising. I must say that she portrayed her role well. She deserves a big round of applause.

"Stop Cerulean!" sigaw muli ng nababahalang si Mrs. Alfonso. Balak sana akong sugurin ng ibang mga students pero itinutok ko sa kanila ang hawak kong kutsilyo.

"Subukan niyong lumapit kung ayaw niyong kayo ang isunod ko!" pagbabanta ko sa kanila kaya napa-step back sila. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa character na ganito, at least for once nalaman ko kung paano ang buhay ng mga kriminal.

"Tulungan niyo ako! Ayoko pang mamatay!" mangiyak ngiyak na sabi ni Quinny. Nagpapaawa effect sa mga audience para makuha ang loob nila.

"Let's end this roleplay Quinny. I'm getting bored already. Do you want to know the truth?" I asked habang tinitignan ang mga taong nakapaligid sa amin, "The culprit is none other than Quinny. She killed Rico and Ethel. If you're not aware, she's a dangerous person. She's a psychopath!"

Binigyan lang ako ng as-if-maniniwala-sila-sayo-look ni Quinny. Nginitian ko siya as I grabbed my phone from my pocket. Ni-loud speaker ko ito at plinay ko ang nirecord kong audio.

"Bravo! Ikaw lang yata ang hindi na-deceived ng acting skills ko. Lahat ng sinabi mo ay totoo. I killed Lincoln and Esther at isa akong psychopath! Wala na akong pakialam kung paano mo nalaman ang mga 'yun basta ang mahalaga ngayon ay ang mapatahimik kita"

Malakas at malinaw na napakinggan ng lahat ng narito ang record audio. Nanlaki ang mga mata ni Quinny at kalauna'y nanlisik ito sa galit with matching gritted teeth. She looks like a mad bulldog.

"Game over, Quinny" pang aasar ko habang nakangiti ng nakakaloko.

Bago pa siya sumugod ay hinawakan na nina Yohan at Cole ang magkabilang kamay niya. Dahil mas malakas parin ang mga lalaki ay hindi na siya nakapalag pa. Tinakpan namin ang bibig niya at pinagtulungan namin siyang itali para hindi na siya makatakas pa. Si Azura naman ay inalagaan ni Mrs. Alfonso. Bandang alas diyes ng umaga ay dumating na ang mga bus na susundo sa amin pati narin ang mga pulis na susundo kay Quinny at sa mga bangkay. Nag roll call muna ang mga secretary per section bago kami pumasok ng bus. Nang masiguro nilang kumpleto na kami ay nagbyahe na kami pabalik ng Northville.

─── A Z U R A ───

Nagising nalang ako ng nakasakay na sa loob ng bus pabalik sa Northville. Katabi ko si Claire. Feeling ko matagal akong nakatulog at nararamdaman ko na ang pagtawag sa akin ng mga gutom kong bulate sa tiyan. Nang mapansin ni Claire na gising na ako ay mahigpit niya akong niyakap na ikinagulat ko naman.

"Gising na si Azura guys!" pagbo-broadcast niya ng balita kaya naman nilapitan ako ng mga kaklasi ko.

"Ayos kana ba?" nag aalalang tanong ni Claire sa akin.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon