XXXII : Battle of the Band

525 37 0
                                    

─── A Z U R A  ───

Sabay sabay naming nahilamos ang aming mga mukha at saka umiling. Seriously? Ganoon na ba ka-preoccupied ang utak niya para hindi malaman kung anong pakay namin sa cellphone niya? Hindi ko alam kung nagpapaka-engot ba siya o nang-aasar lang. Sa pagkainis ko ay inihagis ko ang cellphone niya papunta sa kaniyang direksiyon mabuti na lamang at nasalo niya 'yun dahil kung hindi baka magpabayad pa ako ng wala sa oras.

"So ano na?" naiinip na tanong ni Viridian.

"May fb account naman siguro si Roux i-message nalang natin siya," suhestyon ni Sienna. Nakikita kong may hope pang natitira sa mukha niya.

"Useless, naka-deactivate ang account niya," suway ni Cole na kasalukuyang nakikipag eyes to eyes sa sahig.

"How did you know?" Viridian curiously asked.

"I-me-message ko sana siya kanina para magtanong about dun sa code kaya nalaman kong naka-deactivate siya," sagot niya sabay tingun kay Viridian.

"Maghintay nalang tayo rito baka sakaling makita ni Roux 'yung card at malaman niyang nandito tayo," I cheered up. Sana nga makita niya.

"Yun ay kung didiretso siya sa clubroom."

─── R O U X ───

I am on my way papuntang school. Ngayon lang ako na-late ng ganito dahil sobra akong napuyat kagabi. Paano ba naman kasi hindi na tumigil sa kaka-videoke 'yung mga kapitbahay namin. Alas tres na ng madaling araw kumakanta parin sila samantalang paulit ulit lang naman 'yung mga kinakanta nila. Siguro kung hindi ako nagkakamali mga benteng kanta lang alam nila. Ang nakakasar pa ay sobrang lakas ng videoke nila hindi yata sila aware na pwede 'yung hinaan. Habang nagbibisikleta ako ay nagsalpak ako ng earphones sa tenga ko at nakinig nalang ng nakaka-good vibes na kanta kaysa alalahanin ang rason kung bakit wala akong tulog.

LOVE SHOT
EXO

⏩      ◾      ⏪

Binilisan ko ang pagpapaandar ng bike para makarating agad ako sa skul kundi ay sasabunin ako ni Viridian. Super strict pa naman niya sa tuwing may contest kaming sinasalihan. Ayaw niya ng late kahit isang minuto lang bahala na mamaya kung anong idadahilan ko. Dahil advance akong mag isip naka-airplane mode ang cellphone ko. Paniguradong tatambakan ako ng message at tawag ng mga 'yun lalo na si Viridian. Ipinarada ko sa parking lot este bike area ang bisikleta ko at pumasok sa loob. Umakyat ako papunta sa clubroom namin dahil alam kong hindi sila aalis doon habang wala ako. Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko ng walang tao sa loob pero merong mga bag. Wala narin ang mga instruments namin. Napakamot ako ng ulo, iniwan na nila ako. Isinara ko ang pinto at naglakad papuntang auditorium. Sinipat sipat ko ang mga estudyanteng nakaupo pero hindi ko sila makita. Nagpunta akong backstage pero wala rin sila dun. Nagsisimula na ang Battle of the Band Contest at may nagpeperform ng mga banda from other schools sa stage. Nasaan na ba sila? Huwag mong sabihing nag back out sila (a/n: nag back out sila) Sabi ng huwag e!

"Roux, right?" pagtawag sa akin ng isang babae kaya naman lumingon ako sa kaniyang gawi.

"Ms. President, bakit po?" nagtatakang tanong ko sa babaeng mahaba ang buhok at may salamin sa mata.

"Nasaan na ang mga kasama mo? Malapit na kayong mag perform- actually, kayo na ang susunod," problemadong tanong ni Ms. President. Siya ang pres ng student council.

"Wala pa po ba sila rito? Hindi ko rin po kasi sila mahagilap," nahihiwagaang usal ko. Ano bang nangyayari rito?

"Try calling them," may pagmamadaling utos niya na tinanguan ko na lamang.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon