IV : Music Club's Secret

1K 55 4
                                    

─── A Z U R A ───

"Cerl, thank goodness you're finally here. You need to witness this" sabi ng lalaking nakasalamin sa kakapasok lamang na si Cerl. Naupo si Cerl sa tabi ng tumawag sa kaniya.

He has a messy hair, balingkinitan ang katawan, maputi, mapungay ang mata, nakasalamin, matangkad and he's also from HUMSS strand. Uso yata ang mga nakasalamin ngayon.

"For the last part, magpapakita naman kami ng isang larawan. You need to describe every single details na makikita rito at kapag nagawa mo 'yun pwede ka na naming tanggapin sa club namin" ipinakita ng lalaking nakasalamin sa akin ang litrato ng isang kuwarto.

Pagkaraan ng limang segundo ay tinakpan niya na ito. It is my turn to do the challenge now.

"Ang room na nasa larawan ay mayroong dalawang berdeng kurtina, isa para sa maliit na bintana at isa para sa pinto papuntang veranda. Sa bandang kaliwa, mayroong maliit na cabinet na nakadikit sa dingding. Mayroon ding nakasabit na kalendaryo sa katabi nitong dingding. Makikita rin dito ang kama na may berdeng kumot. Sa tabi nito ay mayroong teddy bear at kulay dilaw na pabilog na unan. Ang disenyo nito ay polka dots. Sa bandang kanan makikita ang study table na mayroong nakapatong na mga aklat na may iba't ibang kulay. Ang kulay ng table ay puti at ang dalawang drawer sa ibaba nito ay brown. Pink at black naman ang kulay ng swivel chair. Sa may bandang baba ng table ay mayroong pink na trash can. Sa gitna makikita ang pinto papuntang veranda na kung saan ay may matatanaw na malaking puno" paglalarawan ko sa aking nakita kanina.

"Bravo!" manghang mangha na sabi ng nakasalaming lalaki. Napa-standing ovation pa siya habang pumapalakpak.

"So are we going to accept her now as the newest member of our club?" tanong ng cute na babae habang pinaglilipat lipat ang tingin sa mga kasama niya.

"I think our club needs a member like her. Judging by her ability, she's a big help for us. It'll be easier to do our business if we have her in our team" komento ng cute na curly boy habang nakangiti na siya namang in-approved ng mga kasama niya.

"You are now gladly accepted as the newest member of the team! Welcome to the band!" masayang bati nila sa akin maliban kay boyish at doon sa lalaking kakapasok lamang pagkatapos ay biglang nagsilabasan ang mga confetti sa hawak nilang party popper.

"Congratulations Azura!" they all said in chorus except ulit doon sa dalawa.

Nakipag kamay silang lahat sa akin feeling ko tuloy humahabol ako bilang isang kandidato sa nalalapit na halalan. Dahil oras narin para bumalik sa mga kaniya kaniya naming classroom doon na natapos ang pagkikita namin as of now. Pinag usapan namin na babalik ulit doon mamaya after class dahil may mahalaga daw silang ipapaalam sa akin. I wonder what is it. Hindi na nga ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon habang patuloy sa pagdidiscuss ang math titser namin. Sobrang preoccupied ang isip ko ngayon.

Napunta ang atensyon ko sa katabi kong bintana. Mula dito ay tanaw na tanaw ko ang mga estudyanteng naglalaro ng dodgeball sa may field. Malamang it's their pe time. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako sa kanila kaya naman muntikan na akong mapatalon ng bigla akong tapikin ng guro ko gamit ang kaniyang stick.

"Baka naman gusto mo silang samahan Ms. Calma" our teacher said strictly. Nagcrossed arms ito sa harapan ko at tinignan ako ng masama.

Napansin kong nasa akin ang atensyon nilang lahat. Ano ba 'tong ginawa ko? Nakakahiya. Kung pwede lang akong mag invisible mode ngayon ginawa ko na.

"Dahil diyan sagutin mo ang equation na nasa board. Bilisan mo at tumayo kana" utos ni maam sa akin sabay turo sa board gamit ang stick niyang medyo may kahabaan. 

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon