Prologue

581 24 0
                                    

P R L O G U E

Stella

"Okay, Stella get ready, ikaw na ang susunod," ani Jelcie.

"Okay, sige," sabi ko at pumunta nasa likod ng LED.

"And now... for presenting the finale gown. Please welcome! Stela Magday!" malakas na sigawan agad ang bumungad sa akin pagkatawag ng MC.

Kumaway ako sa kanila kasabay ng pag spark ng malawak na stage. Lumakad ako nang naka ngiti habang patuloy parin ang hiyawan ng mga manonood.

Kahit medyo may kabigatan ang gown na suot ko dala ng mga dyamanteng naka palibot dito ay swabeng-swabe kong iginagalaw ang mga beywang ko. Kasabay ng flow ng katawan ko.

Naghiyawan ulit ang mga audience nang magawa kong mag post sa dulo ng stage.

Kaliwa't, kanan ang flash ng camera sa'kin. Ilang minuto akong nanatiling ganoon ang posisyon ay lumakad na ako.

Nag spark at sumabog ang confetti nang matapos akong rumampa kasabay ng malakas at masiglang hiyawan ng mga tao.

"ANG GALING MO STELA!"

"ANG SEXY!"

"YOU'RE SO HOT!"

"BEAUTIFUL!"

"PERFECT!"

Papuri ng mga audience sa'kin. Nginitian ko naman sila at kinawayan.

"I LOVE YOU STELLA!" rinig kong sigaw ng isang lalaki na hindi ko alam kung saan nagmula.

"Please welcome the designer and owner of QCF! MISS QSIFANDRA ROSEFF!" tawag ng announcer kay Miss Q.

Nagsigawan ang mga audience nang makalabas si Ms Q mula sa LED screen. Kumaway ito sa lahat at naglakad sa gitna. Nagpalakpakan ang lahat kasabay ng pagsabog ng confetti.

Unang nagpasalamat si Miss Q sa mga taong dumalo ng event tapos ay sa mga organizer ng event, MC, staff, at kaming mga models. Nag iwan din siya ng kaunting mensahe para sa inspirasyon niya sa paggawa ng mga gowns na isinuot namin.

Nang matapos magsalita si Miss Q ay bumukas na ang LED hudyat na aalis na kaming mga models.

Isa-isa kaming pumila para pumasok sa LED pero nang ako na ang papasok doon ay nag ingay ang mga audience.

"WE LOVE YOU STELLA!" malakas na sigaw ng mga audience.

Kumaway naman ako sa kanila at nag iwan ng isang flying kiss. Matapos kong gawin iyon ay pumasok na ako sa LED screen.

"Grabe, ang hot talaga ni Stella, noh?" dinig kong bulong ng isang co-models ko sa hallway na papuntang dressing room.

"Oo nga, sana maging katulad niya rin tayo someday at sana mpansin niya tayo. Grabe! Idol na idol ko siya!" tinig ng isa pa.

Hindi ko sila pinansin at dumiretso nalang ako papuntang dressing room.

"Congrats Stella!" bungad sa akin ni Cassandra pagka pasok ko sa dressing room.

"Salamat," sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Grabe! Sobrang sikat na ng bestfriend ko! Sigurado ako mag co-cover ka na naman niyan sa magazines tapos bukas headlines ka na namam sa mga news! Ikaw naman kasi masyado mong kina-reer!" aniya at tuwang-tuwang hinampas nang kaunti ang kaliwang braso ko.

"Aray, ah," angil ko at hinawakan ang brasong hinampas niya.

"Stella!" bungad ni Jelcie mula sa likuran ko. "Congrats! Ang galing talaga ng alaga ko!"

"Salamat," sabi ko ng naka ngiti at puno ng kagalakan.

"STELLA!" sigaw ni Miss Q papalapit sa akin.

"Miss Q," sabi ko at nagbeso kami.

"Ang galing mo talagang rumampa! Nang dahil sayo rumami na naman ang mga projects ko! Bakla ka!" sabay pabirong hampas sa kanang braso ko. Nagsitawanan kami matapos niyang gawin iyon. "Siya nga pala, Stella."

"Po?"

"Magkakaroon kana ng press conference at interviews in the coming days."

"Po? Saan?" takang tanong ko.

"Sa Pilipinas."

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now