Chapter 3

351 22 1
                                    

C H A P T E R  3

STELLA

"Ilan pa ang a-atendan kong prescon at pictorial para maka balik na ako sa pilipinas?" tanong ko kay Kelly habang tinatahak namin ang daan papuntang condo ko. Katatapos lang din ng isa kong prescon kani-kanina lang. Well, si Kelly pala ang secretary ni Ms. Q at pinaiwan lang siya dahil siya lang ang nakaka alam ng mga schedule ko.

"Uhmm..." usal niya at hinalungkat ang mga papel na hawak. Halos wala akong marinig sa paligid kun'di ang kalansing ng mga papel na hinahalungkat ni Kelly.

Isa ito sa mga nagustuhan ko rito sa Dubai, hindi sila nagkakagulo kapag may mga sikat na tao sa paligid nila. Hindi tulad sa Pilipinas na kapag pumunta ka sa public area, pagkakaguluhan kana. Dito ay hindi, may minsan na nga akong pumunta sa supermarket ng mag-isa ko pero hindi nila ako pinagkaguluhan. Well, may mga kaunti naman pero hindi masyado tulad sa Pilipinas na lahat ng artista ay hindi magawang mag shopping ng mag-isa dahil pag labas mo ay pagkakaguluhan kana. 'Tsaka rito, nirerespeto nila ang privacy ng mga sikat na tao, tulad ko. Halos lahat ng tao rito sa Dubai ay alam kung nasan ang condo ko pero ni minsan wala akong nakitang fans ko na bumibisita sa'kin dito sa condo ko. 'Tsaka ako lang din ang nag-iisang sikat na model na may unit dito. Halos lahat kasi ng may mga unit dito ay ordinaryong tao lang din,pero ni minsan walang kumatok sa pinto ko para bisitahin ako o hatiran ng kung ano-ano.

Kung ihahalintulad ko ang mga tao sa Pilipinas, at mga tao rito sa Dubai ay mas marespeto sila. Hindi nagkakagulo, hindi nag tutulakan. Kun'di kapag nakita ka nila na naglalakad sa kalsada ay kakawayan ka lang nila. Pero kung sa Pilipinas, picture agad, tapos magtutulakan pa sila at magkakagulo.

Pero kahit ganoon, nakakamiss parin ang Pilipinas. Nakakamis parin ang mga tao sa Pilipinas.

"Uhmm... bukas pa ang next prescon mo... Tapos... mamaya ay may isa kang pictorial sa isang brand ng alak," sagot ni Kelly sa tanong ko.

"Okay, susunod." Usad ko ulit. Nagpatuloy sa paglalakad.

"Wala na po,"

"Wala na? Akala ko ba may tatlo pa akong pictorial bago bumalik sa pilipinas?" Napatingin ako sa kanya.

"P-Pina cancel na po iyon ng management. Ibinigay nalang kay Venus ang dapat na para sa'yo dahil kailangan mo na raw pong magpahinga."

Well, si Venus ang pangalawang pinakasikat at pinaka hot na model sa buong mundo. Ayos lang naman sa'kin na akuhin niya ang iba kong trabaho, mas maganda nga 'yun eh, kaunti lang ang gagawin ko.

"Akala koba nasa US si Venus?" tanong ko nang makabalik sa realidad.

"Opo, pero uuwi na raw po siya mamaya para sa mga pictorial niya rito sa Dubai."

"Okay then. How about the prescon?". tanong ko ulit.

"Pina-cancel rin po ng management. Uhmm... Nagpag desisyonan po kasi nilang pag isahin nalang ang iba mong prescon na dapat mong daluhan dito kaya medyo napatagal ang prescon mo kanina." Usal niya.

"Ah..." tumango-tango ako. "So... We're going back to the Philippines now, am I right?"

"No."

"Why?"

"Sa 13 pa po ang flight natin pabalik ng Pilipinas at wala na tayong gagawin ngayon kun'di ang maghintay lang. Kung mag papa rebook pa po ulit tayo ng flight ay masasayang naman po ang pina rebook ni Ms. Q sa 13 kaya imbes na uuwi na sana tayo this week or by next week, ay sa 13 pa po ang uwi natin."

"Ah..." Tumango-tango ako. "Okay. Alam naba ito ni Miss Q?"

"Opo. Sakanya ko po unang sinabi. At ayon po ang sinabi niya, maghintay nalang daw po tayo hanggang mag 13 at maghanda kana raw po dahil marami raw po ang interview mo sa Pilipinas dahil big comback mo raw po iyon."

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now