Chapter 24

222 12 0
                                    

C H A P T E R 24

STELLA

Seryoso kong tinatanaw ang isang malaking LCD na nakasabit sa pader nitong malaking building, kung saan makikita ang aming ginawang photoshoot sa Grand Canyon.

Dati'y inaabot kamay ko lang ang pangarap na maging isang modela. Ngayo'y may pinanghahawakan na akong malaking titulo.

"Ma'am dito po tayo,"

Binitawan ko ang tingin sa malaking LCD at naglakad papasok sa building na iyon.

Pagkapasok ko ay agad akong pinalibutan ng mga bouncer. Ang babaeng nagsalita kanina ay siya namang sinusundan ko ngayon.

Ang iba'y nanlaki ang mga mata at nagsisigaw ng makita akong dumaan sa kanilang harapan. Hindi ko sila pinansin, nagpatuloy ako sa pagsunod sa babae hanggang sa makarating kami sa isang parang gymnasium. Kung saan ako nagmula.

"Andiyan napo si Miss Q," aniya at umalis kasama ang mga bouncer na kanina'y kuntodo ang protekta sakin.

Pumasok ako sa loob at agad naman akong natanawan ni Miss Q.

"Stella!" Nakipagbeso siya sakin pagkalapit ko sa kanya. "Girls, this is Stella, and she will share to us about her experiences in this industry." Masayang anunsyo niya. "Maiwan na kita." Nakipag beso siya sakin ng isa pang beses at iniwan kami.

Bumuntong hininga ako at tinitigan ang mga babaeng isa-isang nakapila. Kung hindi ako magkakamali ay sa isang linya ay merong sampung nag gagandahang dilag at ang kada grupo ay binubuo ng sampong linya. Kaya kung susuymain ay merong isang daang dilag ang nakatayo ngayon sa harapan ko.

"Oh my god, si Stella, ba ang trainor natin?"

"Ewan. Sana nga siya! Idol na idol ko siya!"

"Paano kaya siya nakarating sa ganyang career 'no?"

"Baliw diterminasyon lang ang susi diyan..."

"Kilala niyo naman ako diba?" Tanong ko sa kanila. Hindi pinansin ang mga naririnig na bulong-bulungan.

"Yes, Miss..." Hindi sabay-sabay na bati nila. May nahuhuli, may nauuna, may mahihina, may malalakas.

"Anyway. I will be your trainor..."

Sigawan at bulungan agad ang namutawi sa buong silid matapos kong mag anunsyo.

"But..." Putol ko sa sigawan. "For this day only. Bakante ko ngayon. Bukas wala na ako rito..." Ngumiti ako sa kanila.

Maraming akong nakitang nag pout at ang iba ay parang wala lang.

"Five years ago, I was here..." Panimula ko at iginaya ang mata sa buong silid. "Tulad niyo nangangarap na maging isang model. Naalala ko noong unang pasok ko sa silid na ito ang tanging iniisip ko lang ay ang pamilya ko. Kung paano ko sila iaahon sa kahirapan." Naglakad-lakad ako sa paligid. Pakanan, pakaliwa. "Bibigyan ko kayo ng tips kung paano kamitin ang bituwing nagniningning. Una, inspirasyon. Sa isang pangarap hindi pwedeng wala kang inspirasyon. Dahil ang inspirasyon na 'yon ang isa sa magpapalakas ng loob sayo kung sa piling mo ay hindi muna kaya. Tandaan niyo. Hindi basta-basta ang mundong papasukin niyo rito..."

Tinignan ko ang isang mukhang morenang nadaanan ko sa paglilibot sa kanila. Nag-iwas siya ng tingin. "Pangalawa, malakas ang loob. Hindi ka pwedeng pumasok sa lugar na ito kung wala kang lakas ng loob. Dahil kung hindi, magmumukha kang tanga. Huwag mong ipakita sa kanilang nahihiya ka, o nawawalan ng lakas ng loob dahil ang iisipin nila wala kang kwenta. Isa kalang display. Kalat. At para mawala iyon. Kailangan mo ng isang inspirasyon."

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin