Chapter 17

217 10 0
                                    

C H A P T E R 17

STELLA

Hindi ko alam kung paano ako nakarating agad sa hotel. Sa sobrang lutang ng utak ko at sa sobrang sikip ng dibdib ko, tila wala na akong pake-elam sa mga taong nasa paligid at nakakasalubong ko. Tuluyan akong pumasok ng basang-basa sa hotel at dumiretso sa restaurant hanggang sa madaanan ko sila Miss Q na naka upo. Kausap ata ang mga kaibigan. Hindi rin mawala-wala ang mata ng mga tao sa paligid dahil siguro'y basa ako.

"Oh my god! Jesus! Anong nangyari sa'yo Stella?" nag-aalalang bungad ni Miss Q sa'kin. Napahinto ako at tinignan niya niya ako mula ulo hanggang paa. "Basang-basa ka! Saan ka galing?" aniya at tumayo hinawakan ang aking buhok.

"Sa kwarto lang ako..." walang emosyong usal ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Badtrip ata alaga mo Miss Q," bulong ng isang kaibigan ni Miss Q sa kanya. Hindi ko nalang pinansin iyon at dimiretso sa elevator.

Tuloy-tuloy akong naglakad patungo sa aming kwarto. Kahit basa'y inihiga ko ang aking sarili sa sofa at lumandas ang luha sa'king mga mata.

Hindi ko alam Stella kung anong iniiyak-iyak mo riyan eh, ikaw naman ang nagsabi n'on 'di ba? Iyon naman ang gusto mo 'di ba? Bakit? Pinagsisisihan mo na ba ang mga sinabi mo ngayon palang?

Tuloy-tuloy ang pag-iyak ko. Naginginginig dahil sa lamig at sa pag-iyak ng sobrang diin. Napasabunot ako sa aking buhok ng may napagtanto.

Damn this!

Bigla-bigla akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sofa at diretsong pumunta sa banyo para maligo. Binilisan ko lang ang aking pagligo dahil sa kabang nadarama at sa aking gagawin. Hindi nagtagal ay lumabas ako sa aming kwarto at dali-daling idi-nial ang number ni Miss Q.

"Oh, Stella napatawag ka. Are you okay?  Kanina—"

"Asan ang room nila Emman?" putol ko sa kanya.

"Bakit—"

"Basta sabihin mo na lang! Wala ng madaming tanong!" tumaas ang boses ko dahil sa halu-halong nadarama.

"A-Ahh... Room 34, fourth floor—"

Matapos kong makuha ang impormasyon ay binaba ko na iyon. Wala akong oras na makipag kwentuhan. Tumakbo ako sa elevator at pinindot ang pang-apat na button. Habang tinitignan ang numerong bumababa ay hindi ko na mawari ang aking nararamdaman. Sobra ang aking ka ba at excitement. Nang bumukas iyon ay halos madapa pa ako sa pagmamadaling lumabas doon. Tinignan ko agad ang mga numerong nakasulat sa bawat pinto ng silid. Kaliwa't kanan akong tumatakbo para tignan ang mga numero sa mga silid na nadadaanan nang makita ko na ang silid na aking sadya ay sobra ang bilis ng pagtibok ng aking puso.

Lumunok ako at tumingin sa kisame. Gumawa ng isang napaka lalim na buntong hininga at saka kumatok sa pinto. Hindi pa bumubukas iyon ay sobra na ang kalabog ng dibdib ko at parang ka'y hirap lumunok dahil dito.

Ilang sandali pa ay binuksan na iyon ni Steff. Wearing only a towel!

"Oh, Stella anong ginagawa mo rito?" ngisi niya.

Sumilay ako sa kaunting espasyo sa kanyang likod upang makita ang loob ng silid ngunit wala akong makitang ni anino ni Emman. "U-Uhmm... si E-Emman?" pahina ng pahina ang aking boses hanggang sa masabi ang huling salita.

"Aba, bago 'yan ah, bakit?" nakataas ang noo'ng aniya at sobrang laki ng ngisi.

Uminit ang pisngi ko at napatingin sa baba upang hindi niya mapansin iyon.

"U-Uhmm... K-Kakausapin ko lang sana siya," tinititigan ko ang paa kong hindi mapakali sa kagagalaw.

"Wala siya eh."

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now