Chapter 8

267 14 1
                                    

C H A P T E R  8

CASSANDRA

Pauwi na kami ngayon galing sa RPLM Corp. pero kataka-taka na hanggang ngayon ay wala parin sina Stella at Emman.

Nasaan na kaya yung mga 'yon?

Pero infairness ah, ang ganda ng RPLM ang laki ng building, nakaka- mangha! At higit sa lahat ang daming gwapo!

"Saang lupalok naman nagpunta ang dalawang iyon? Gabi na wala pa sila." Ani Miss Q pagkalabas namin sa building. Kanina pa siya hindi mapakali kakahanap sa alaga niya.

"Miss Q matanda naman na sila at alam na nila ang mga ginagawa nila. Wala ka ng dapat ipag-alala." Ani naman ni Jelcie.

"Paano kung na-aksidente sila? Paano kung may nangyaring masama sa kanila?"

"Hay nako Miss Q kung may nangyari mang masama sa alaga mo, natural nabalita na iyon! Ayon pa? Sa kasikatan no'n? Eh halos araw-araw headline 'yon sa newspaper eh. Posibleng wala pang naka hanap ng impormanson ngayon kung may nangyari 'ngang' masama sa kanila."

May punto siya, masyado naman kasing OA si Miss Q eh.

"Well okay," si Miss Q at pinakalama ang sarili. "We better go now." Aniya at nagpa-unang maglakad at sumunod naman kaming lahat sa kanya.

STELLA

"Pumasok na kayo sa loob at naayos kona ang higaan niyo," ani nung ginang pagkalabas sa kwarto kung saan daw kami matutulog.

"Wala na po ba talaga kayong isang kwarto?" tanong ko.

"Pasensiya na naning aglt maliit lang ang bahay namin. Kaming dalawa lang kasi ang nakatira rito. Pasensiya na talaga..." Hinawakan niya pa ang balikat ko para humingi ng paki-usap. Tumango nalang ako dahil kahit anong pilit ko ay wala talaga akong magagawa.

Napa buntong-hininga nalang ako kalaunan.

"Alam ko naman na wala kayong gagawing kababalaghan diyan 'diba hijo?" nakangising tanong pa ng ginang kay Emman.

Ano?

"P-Po?" Gulat na tanong naman ni Emman.

Tumawa ang ginang sa reaksyon ni Emman. "Nag bibiro lang ako ikaw naman hijo. May tiwala naman ako sa inyo at alam ko naman na hindi ninyo iyon gagawin." Nakangiting aniya. "O siya sige na, matulog na kayo at maaga pa kayong aalis bukas. Baka nag-aalala na ang mga magulang niyo naku..." nag-aalala pang usal niya.

"Sige po," sabi ko nalang at pumasok sa kwarto. Kasunod ko namang pumasok doon ay si Emman.

Tumingin ako sa kanya nang magsimula siyang magsalita. "Diyan kana sa kama at ako nalang dito sa sahig." Aniya at dire-diretsong pumasok sa kwarto at kinuha ang isang banig na nasa tabi ng kama 'tsaka niya iyon inilatag.

Eh, ang tanong, makakaya mo kaya? Eh rich kid ka 'diba? Baka nga 'yan pa ang unang beses mo na mahihiga sa sahig eh.

Sabi ko sa isip habang pinapanood siyang inihahanda ang kanyang higaan.

Hah! Good luck nalang sa'yo. Bahala kabsa buhay mo.

Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang mangyari since suhestiyon niya naman iyon. Gusto niya rin eh, edi pagbigyan.

Humiga ako sa kama at sinimulan ko ng ipikit ang mga mata ko pero maya-maya ay nakakarinig ako ng sunod-sunod na kaluskus ng banig kaya naman napatingin naman ako sa gawi ni Emman.

Naka baluktot ang mga paa niya at naka gawi sa kanan pero maya-maya ay gumawi sa kaliwa, at saka siya nagtalukbong ulit ng unan sa mukha, tapos ay gagawi ulit sa kanan, kaliwa... hanggang sa hindi na mapakali kakagalaw.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now