Chapter 23

230 11 1
                                    

C H A P T E R 23

STELLA

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na sabwatan ng sigaw.

"God! Ano bang pinaggagawa ng babaeng 'yan?"

"Hayaan mona Miss Q, may pinagdadaanan. Intindihin nalang na--"

"Intindihin?! Nahihibang kana ba Jelcie?! Hinahayaan ko na nga na mag lakwatsa yang babaeng 'yan, tapos ito pa ang ibibigay niya sakin! Stress!"

"Miss Q, hayaan mo nalang--"

"Hayaan!? Sigurado kaba sa sinasabi mo ngayon Jelcie?! Kung hahayaan natin siya, 'edi parang hinayaan ko nalang siyang pagsabihan ng mga masasakit na salita! Hindi ko gusto 'yon Jelcie, ako ang manager niya! Ang pagkakamali niya, ay pagkakamali kona rin! She have a responsibility to me, and I also have a responsibly to her! God!"

Kahit gising ako ay pinilit kong huwag imulat ang aking mga mata. Hindi ko naman sinadya'ng masaktan ah? Nagmahal lang ako. Pagkakamali ba iyon?

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay may naramdaman akong humaplos sa aking buhok mula taas, pababa.

"Sumabog nanaman ang social media dahil sa kawalang hiya ng alaga mo Jelcie! Ang guess, what's the reason? Emman! Again! Bakit ba ang galing gumawa ng world record ng lalaking 'yon! Una ang pagbuntis niya kay Venus. Now this! Ang daming nagsasabi na malandi ang alaga mo dahil sinasabi nilang pumatol siya sa may asawa na! Jelcie, hindi ko kayang masabihan ng ganyan ang mga alaga ko. It's really hurts my ego! And breaks my heart, as their manager! Hindi naman ako nagkulang diba? At tyaka, hindi naman bawal ang magliwaliw, hindi ko sila binabawalang magliwaliw. Pero sana naman! Alagaan nila ang mga pangalan nila! Ang karera nila! Dahil sa oras na madungisan iyon, wala na! Sayang! Sayang ang pinaghirapan nila! Ang pinaghirapan ko para sa kanila!"

Now I understand. Galit siya dahil nangingibabaw sa kanya ang concerned para sa'ming mga alaga niya, bilang manager namin. Dahil ang higit at unang makakaintindi saming mga alaga niya ay siya. At alam niya rin ang aming mga pinagdaanan para sa karerang ito. Dahil siya ang humubog samin upang mas maging matagumpay kaming mga modela. Nararamdaman din namin kung gaano kalalim ang kanyang pagmamahal para samin. Hindi basta bilang mga modela niya. Kundi bilang mga anak niya na rin. At laking pasasalamat namin dahil meron kaming manager na gaya niya.

Bakit hindi ako ganito nag-isip nung mga panahong galit at puot lamang ang namumutawi sa'king damdamin. Sana ngayon'y mayasa na ako. Masaya sa piling ng taong mahal ko.

Kumirot ang puso ko dahil sa kadahilanang iyon. Now I find out kung gaano ako ka immature years ago. Kung paano ko dinamdam ang bagay na yun. Sa kung tutuusin ay walang laban sa dinadamdam ko ngayon. Kung sana ay hindi ako nabuhay sa sakit ay hindi na sana nadagdagan pa ng mas matindi.

Paano ba mabuhay ng tama? Paano ba magdesisyon ng tama? Paano ba tanggapin ang mga kamalian ng mula sa puso? Paano ba papalisin ang paghihinagpis ng kusa ang loob.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at una kong nakita ay ang puting kisame, puting ding-ding, puting lamesa at ang aking hinihigaan na puting kama.

"Salamat at gising kana," hindi ko napansin na mayro'n palang tao sa'king tabi. Tinagilid ko ang ulo ko upang tignan kung sino iyon. At ang una kong naramdaman ay ang marahang halik sa aking noo. Napapikit ako sa marahang halik na iyon. Kasabay no'n ay ang isang patak ng tubig sa aking pisngi. "Nag alala ako ng sobra sayo anak," emosyonal na ngumiti si mama at hinaplos-haplos ng marahan ang aking kayumanging buhok.

Nanghihina akong ngumiti sa kanya, tyaka ko dahan-dahang inilibot ang aking paningin. Namataan ko si Miss Q, at Jelcie'ng magkaharap sa isa't-isa.

Oo nga pala may narinig akong nagsisigawan kanina.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon