Chapter 9

265 12 0
                                    

C H A P T E R  9

STELLA

"Cassandra ano ba! Bilisan mo naman!" Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya.

Ang bagal-bagal kasi siya na nga lang ang sasama ako pa ang nag-adjust!

"Ito na, ano kaba..." Aniya pagkalabas ng pinto habang kinakalkal ang kanyang bag. "Ay... Teka 'yong contour ko naiwan! Saglit lang!" Aniya at sumenyas pa sa'kin bago pumasok uli sa kwarto.

Ano bayan! Para contour lang kasi eh! Napaka big deal! Babaeng 'to talaga! Lokaret!

"Ayan okay na. Tara na." Aniya 'tsaka nagpa-unang maglakad. Masama naman ang loob ko siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa sasakyan.

CASSANDRA


"Marami bang gwapo sa probinsiya ni'yo?" Tanong ko kay Stella pagka-andar ng sasakyan namin.

"Tss, gwapo na naman laman ng kokote mo," aniya.

"Eh, ano bang pake elam mo gusto kona magka-bf 'no! Palibhasa kasi bitter ka porke't niloko ka ng isang beses akala mo lahat manloloko na." Ngiwi ko sa kanya.

"Tss..."

"Buti nga ikaw binabalikan pa eh, 'yong iba? Inaasam-asam na balikan sila ng taong mahal nila pero hanggang pangarap nalang sila dahil kahit pagbaliktarin mopa ang mundo, 'yong mahal nila... may mahal nang iba." Dagdag puna ko sa kanya na siyang nagpatahimik sa kanya.

"Cassandra..." Usal niya maya-maya.

"Hmm?"

"Sa tingin mo, gusto na kaya ako ni Emman ngayon?" Tanong niya sa'kin.

Napakunot naman ako ng noo dahil doon 'tsaka ko siya hinarap.

Napatingin ako sa taas at nag-isip "Alam mo, hindi ako ang dapat sumagot niyan..." Sabi ko at seryosong kumarap sa kanya. "Kung 'di ikaw. Pakiramdaman mo siya kung parehas paba ang trato niya sa'yo noon at ngayon. Pakiramdaman mo kung totoo ba lahat ng ginagawa niya para sa'yo."

Napabuntong hininga siya at bahagyang ginulo ang bohok. "Eh, kaya nga ako nagtatanong kasi naguguluhan na ako! Merong nagsasabing gusto na niya ako, pero meron din namang nagsasabing hindi totoo ang mga nakikita ko sa kanya at binibigyan ko lang ng pag-asa ang puso ko, tapos madudurog ulit. Ayokong umasa at madurog ulit. Ayoko na."

"Edi hintayin mo ang puso mo na magsabi kung ano ang mas matimbang diyan sa dalawang binanggit mo."

Hindi na siya umimik matapos n'un. Hanggang sa lumipas ang mga oras.

"Malayo paba? Eh ilang oras na tayong bumibyahe ah, ang sakit na ng pwet ko rito sa upuan." Reklamo ko nanf nangalay ako kakaupo.

"Malapit na. Nandito na tayo sa bayan. Ilang minuto nalang huwag kang mag-alala," aniya.

"Okay," sabi ko nalang at itinuon ang sarili sa labas ng sasakyan.

STELLA

"Salamat po," sabi ko sa driver na nagbaba ng mga maleta ko mula sa compartment.

"Walang ano man po," aniya naman.

Matapos niyon ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid at bahagya pa akong napapikit nang malanghap ko ang sariwang hangin na bumungad sa'kin.

Hay, nakakamiss ang hangin dito..

"Uy, Stella!"

Napamulat ako nang may tumawag sa pangalan ko. Lumingon-lingon ako sa paligid para malaman kung saan galing ang pamilyar na boses na iyon.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHDonde viven las historias. Descúbrelo ahora