Chapter 18

236 12 0
                                    

C H A P T E R 18

STELLA

Limang buwan ang lumipas matapos ang huling pag-uusap namin ni Emman. Kung papaano nangyari iyon, ay hindi ko rin alam.

Hindi ko alam kung papaano ko natiis ang konsensiya ko na unti-unti akong kinakain. Hindi ko alam kung papaano ko natiis ang naghuhuramentado kong puso. Hindi ko alam kung papaano ko natiis ang mga bagay na bumabagabag sa aking isip. Hindi ko alam kung papaano ko natiis na hindi siya kausapin sa loob ng limang buwan. Ilang beses na akong pinipilit ni Cassandra na lapitan si Emman pero hindi ko alam kung papaano at saan siya pupuntahan.

Limang buwan siyang hindi nagparamdam. Kung dati-rati'y lagi siyang nakasunod samin nila Miss Q, ngayon ay hindi ko na siya nakita. Kung dati'y inis na inis ako sa tuwing nakikita ko siya, ngayon ay hinahanap-hanap ko na. Simula noo'ng lumabas kami sa bar ay iyon na ang huli naming pagkikita at simula noon hindi na uli kami nagkita.

Ilang beses ko ng pinilit ang sarili ko na puntahan siya. Dahil atat na atat na talaga akong makita at makausap siya, bago pa mahuli ang lahat pero sa huli'y hindi ko magawa. Meron nag sasabi sa'king hindi pa ako handa at meron din namang kailangan ko ng gawin iyon upang hindi na ako magsisi pa ng lubos.

Ganito pala talaga sa pag-ibig, kailangan seryoso ka at pinag-iisipan ng mabuti ang mga bagay-bagay at dapat handa ka sa ano mang bagay na maaaring mangyari balang araw. Kung magkakamali kayo, kayo lang din ang sasapo sa mga kamalian niyo wala ng iba. And remember, in every action, there is a consequences.

"Oh, teh ano na?" Kalabit ni Cassandra sa'kin matapos kong umupo sa sofa sa aking condo. Umupo rin siya sa tabi ko. "Anong petsa na nandito ka pa rin nagmumokmok."

"Hindi pa nga ako handa."

Hinarap niya ako at pinamaywangan. "Hay nako! Ano? Hihintayin mo pang mas lalo siyang lumayo sa'yo bago ka maging handa? Teh! Gising-gising. Tumatakbo ang oras! Tandaan mo, bawat segundo ay mahalaga dahil kahit segundo pa yan, hinding-hindi mo na maibabalik iyon. Kaya huy! Galaw-galaw at baka mamaya tuluyan mo na siyang hindi makita, tapos makikita mo siya may kasama ng iba. Hay nako, masakit yun Stella," umiling siya. "Sobra. Kapag hinintay mo pang mangyari iyon magsisi ka kasi hindi mo siya hinabol ng mas maaga. Oh, ano? Hihintayin mo pa yun?ha?"

Imbes na sumagot sa kanya ay yumuko nalang ako at nagbuntong hininga.

Gulong-gulo na ang utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong mababaliw kakaisip kung ano ang susunod kong gagawin. Pupuntahan ko ba siya? Ang kaso saan naman? At paano kung hindi niya ako harapin?

Ngayon lang ako naging ganito kagulo sa tanan ng buhay ko. Ever since! Iba na talaga ang naibibigay ng tunay na pag-ibig.

Dahil ang pag-ibig parang sugal. Susugal ka, dapat sa tamang tao. Dahil kung sa maling tao, maari kang masaktan. Dapat din galamay mo ang bawat barahang ibabato mo sa kalaban, dahil kung hindi, magsisisi ka. Maaari kang makinig sa mga taong nasa paligid mo, pero depende sa'yo kung pakikinggan mo. Dapat desperado, dapat kang maging matalino, dapat kang maging matatag, at dapat kang mag pursigi. Dahil kung hindi, hindi mo makukuha ang inaasam-asam mong premyo.

Kung tutuusin dalawa lang ang sangkap ng pag-ibig. Trust and Love. Paano ka mag mamahal kung wala kang tiwala? Paano ka magtitiwala kung hindi ka mag mamahal?

Pero kahit dalawa lang ang sangkap sa pag-ibig tanging ka'y hirap paring gamayin ang bawat isa. Mag titiwala ka, pero sisirain lang. Mag mamahal ka, pero masasaktan ka lang. Kaya ang pag-ibig ay napaka komplikado.

Bakit nga ba kailangang maging komplikado ang mga bagay-bagay? Bakit kailangan pa nating maguluhan sa mga desisyong gagawin? Bakit kailangan pa nating magtiwala? Bakit kailangan pa nating mag mahal, kung sasaktan lang din naman tayo? Bakit ang dami-daming tanong pero ni isa walang sagot? Bakit ang daling magtanong pero kay hirap kumalap ng sagot? Paano mo sasagutin ang mga bakit, kung ni isa walang naiwang dahilan sa'yo? Anong hahanapin mo?

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu