Chapter 15

253 15 1
                                    

WARNING: THIS CHAPTER MAY CONTAINS SENSITIVE SCENES. RESTRICTED GUIDANCE IS ADVISE.

C H A P T E R 15

STELLA

"Oo basta umalis nalang daw basta nang walang paalam sa manager niya. Nakita nga raw siya ni Leah kanina eh, 'yong co-model ko? Kinuwento niya sa'kin— kaninang umaga raw pagkalabas niya ng room nakita niya may dala na ng maleta at umiiyak habang naglalakad..."

Bulungan ang tanging bumungad sa'min pagkarating namin sa restaurant kinaumagaan.

"Bakit daw siya umiiyak? Ano bang nangyari sa kanya?" tanong pa ng isang model. Umupo kami sa likod ng mga nagbubulungan dahil halos wala nang maupuuan tanging iyon nalamang ang bakante sa lahat.

"Ewan ko ba ayos pa naman siya kahapon 'diba? Ano kayang nangyari? Nakipag break 'yong boyfriend niya? Tapos gusto niyang sundan? Ano sa tingin niyo?"

"Ano ba naman ito pati mga model naging chismosa na. Akala ko sa mga kanto-kanto lang may ganyan kahit saang lugar pala meron na rito sa Pilipinas. Hay kaloka, sino bang pinag-uusapan nila? OP ako eh." Ngiwing bulong ni Cassandra sa'kin.

Tignan mo 'to, pati pala siya gustong makichismis.

Bumuntong hininga ako, "ewan ko." Kibit balikat kong sabi 'tsaka ako tumawag ng waiter.

EMMAN

Mapayapa kong tinitignan ang alon sa dagat mula rito sa veranda ng aming room habang humihigop ng kape. Napapikit ako dahil sa sorbang pagkadismaya, pagkasisi, at pagkagalit para sa aking sarili.

Hindi ko sinasadya na magawa iyon sa kanya. Nakain lang ako ng eksena dahil sa kalasingan at syempre, isa rin akong lalaki na mabilis matukso. Pero tingin ko, tama rin naman ang ginawa ko.

Flasback

"Can you sleep beside me please?" Mapupungay ang mga matang bulong nito sa'kin hanggang sa namalayan ko nalang na umupo ulit ako sa kanyang kama. Umupo rin siya sa kama at kagat labing ibinaba ang tingin sa aking dibdib 'tsaka nilaro ang kanyang hintuturo pababa roon. Unti-unti siyang nag angat ng tingin sa'kin at sa aking labi. 'Tsaka ko nalang namalayan na unti-unting lumapat ang kanyang mapupulang labi sa'kin na siyang dahilan kung bakit ako nag-init!

She's definitely hot! Pero ni minsan hindi ko lubos maisip na mahuhulog ako sa kanyang halik. Maganda siya, sexy at ni minsan hindi sumagi sa isip ko na gagawa kami ng isang makahulugang gabi.

Pilit kong ginigising ang aking sarili upang hindi magpalunod sa kanyang maiinit na halik hanggang sa namalayan ko nalang na sumusunod na ako sa ritmo ng kanyang halik.

Banayad ko siyang inihiga sa kama at binigyan ng maiinit na halik. Isang halik na matagal ko ng hinihingi sa isang babaeng pinakamamahal ko na ngayon ay ibinigay ng isang babae'ng hindi ko kilala.

Inihawak niya ang kanyang kamay sa aking balikat at ang kaninang mainit na halik at mas lalong uminit ngayon! Unti-unting bumaba ang kanyang kamay galing sa aking batok pababa sa aking tiyan. At ang kanyang dalawang paa ay namalayan ko nalang na nakayakap na sa aking likod. Humiwalay siya sa halikan namin at bumulong sa aking tainga.

"I want you, please..."

Hindi ko alam kung anong meron sa bulong na iyon at bigla akong nag alab sa init na nararamdaman.

"Oh Shit! Damn it!" Tinanggal ko ang aking damit at inihagis iyon sa kung saan at saka ko ipinagpatuloy ang naudlot na halikan.

Pero kalaunan habang ginagawa namin ang maiinit na halik ay saka lang ako nagising. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahilan kung bakit ako humiwalay sa kanya at tumayo. Pinulot ko ang aking damit na nagkalat sa sahig at saka siya tinitigan. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata dahil sa aking ginawa.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now