Chapter 6

304 17 0
                                    

C H A P T E R 6

STELLA

Lumipas ang isang buwan ko rito sa Pilipinas sa mga kaliwa't, kanang interviews, presscons, projects, pictorial, at iba pa. Thankful rin ako dahil ilang interview lang ang meron ako ngayong buwan.

Ngayon ay kasalukuyan kaming nag ta-tape ng interview.

"Ready? Okay. 3, 2, 1, and... action!" sigaw ng director.

"Magandang umaga sa inyong lahat!" magligayang panimula ng host. "Ngayong araw na ito ay makakapanayam natin ang pinakasikat at pinakahinahangaan lang naman ng buong mundo pag dating sa model industry."

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga audience.

"Please welcome, the most famous and iconic super model in the world! Stella Magday!"

Nagpalakpakan ang mga audience matapos akong tawagin. Tumayo naman ako sa upuan at nakangiti ko naman silang kinawayan.

"So... Stella." Panimula ng host matapos magpalakpakan ang lahat. Tumingin din siya sa papel na hawak.

"Yes?" At kinuha ko ang isang tasang may lamang kape sa table at uminum ng kaunti.

Inialis niya ang tingin sa papel at tumingin sa'kin. "Maaari mo bang ibahagi sa'min kung paano nagsimula ang isang Stella Magday? You know... Your humble beginnings..." tanong sa'kin ng host.

"Well..." Pambibitin ko at humigop uli ng kape.

"It's actually 5 years ago," I smiled. "I was heartbroken back then, buti nalang may nakahanap sa akin para mapaglibangan ng oras. I started modeling since then. Maayos naman ang feedback nila at nag training pa kami lalo para mas humusay. Nagpursigi ako, hinarap ang lahat ng bagay na hindi ko akalain na malalagpasan ko pala." Maikling kwento ko.

"We heard na galing ka sa isang company as secretary, pwede ba naming malaman kung anong company iyon at bakit ka umalis roon?"

Ngumiti ako sa tanong ng host. "I'm sorry, I'm not allowed to tell the company's. It's just for confidentiality."

Tumango ang host. "We understand. But will you mind our last question?"

"It just happened. As I've said, I was heartbroken back then."

"At sino namang lalaki ang sumira ng puso ng nag-iisang Stella Magday?"

"I don't want to ruin his name. Basta boss ko siya sa company na iyon and we had a problem-no he is the problem. Pinaglaruan ako."

Narinig ko ang ingay mula sa audience. Ngumiti lang ako sa kanila.

Marami pang tanong ang host sa akin at nasagot ko naman iyon in a professional way. Minsan outside the box ang tanong ng host at ngumi-ngiti nalang ako at hindi iyon sinasagot.

Pagkatapos ng interview ay pumasok na ako sa dressing room. Lagkapasok ko ay umupo ako sa sofa at kinalikot ang cellphone.

"Hi!"

Napatingin ako sa bungad ng pinto at mula roon ay natanaw ko si Ellerson.

Hayss... Siya na naman!

Ilang linggo na niya akong nilalapitan at kinukulit. Lagi rin siyang bumibisita sa dressing room ko pagkatapos ng aking interview pero syempre hindi ko pinapansin ang presensiya niya.

Gwapo naman si Ellerson. Maputi, matangkad, makinis ang mukha at lahat na ata ng magandang katangian ay napunta na sa kanya. Tulad ko ay isa rin siyang model. Aniya pa, siya raw 'yung pinakasikat na male model sa Pilipinas. Well, narinig kona ang pangalan niya, kaso hindi ko alam ang itsura. Nakilala ko lang siya sa isang advertisement. Siya at ako ang napiling model na mag e-endorse sa isang sikat na brand ng alak. Matapos no'n ay lagi na niya akong sinusundan.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now