Chapter 20

233 10 0
                                    

C H A P T E R 20

EMMAN

"Grabe, iba talaga ang nagagawa ng alak 'noh?" Ani Steff, habang nakaupo at nakatingin sa itaas. Nakatusok ang kanyang index finger sa kanyang sentido. "Kapag ako tinamaan parang baga akong nag-iinit." Tyaka siya tumingin sakin. "Paano kaya pigilan ang pag-iinit, kapag nag init kana? Mga babae kasi. Mahilig magpainit. Tsk. Tsk. Tsk." Dagdag niya pa habang umiiling-iling.

Hindi ako umimik. Nag salin nalang ako ng whiskey sa aking wine glass at nilagok iyon ng tuluyan.

"Alam mo hanga nga ako sayo eh..." Aniya maya-maya.

Kunot noo ko siyang binalingan. "Bakit?"

"Kasi ikaw, kapag umiinom hindi ka nagsasama ng girls at parang hindi nag-iinit kapag nalalasing. Paano mo nagagawa 'yon?"

"Bakit ikaw?"

Ngumisi siya. "Tss... Kung ako, hindi ko kaya. Para sakin pampagana ang mga girl sa inuman. Tyaka diba. Kapag nalasing ka at nagutom. Yung katabi mo... Angkinin mona." Tyaka siya humalakhak.

Umiling ako. "Tss... Loko ka..." Saway ko at nakitawa narin.

"Pero..." Bigla siyang nagseryoso kaya naghintay ako sa susunod na sasabihin niya. "Nagtataka ako. Kung hindi ka mahilig sa mga girls ngayon habang naglalasing... Eh, bakit nabuntis mo si Venus? Ikaw ba talaga ang ama?"

Nagtiim bagang ako at nag buntong hininga.

"Diba, marami kana ring nagalaw na mga babae sa US noon? Pero ni minsan wala kang nabuntis kahit isa."

"Alam kong masama akong tao noon. Pero ng makilala ko si Stella ay nagbago na ako. Pero bro, alam ko kung anong ginagawa ko."

"Ayun na nga, paano na si Stella, ngayon? Paano na yung mga pangako mo?"

Napabuntong hininga ako at nagbaba ng tingin. "Ewan ko. Sana pala hindi nalang ako pumunta sa bar na'yon, sana pala hindi nalang ako nagpalunod sa galit at sakit na nararamdaman ko ng gabing iyon. Edi sana hindi nangyayari ito."

"Hay... Tama ngang nasa huli ang pagsisisi. Naka chamba ka na nga lang, wrong timing pa. At nagkababy ka na nga lang hindi pa kay Stella. Hayy..." Umiling siya. "Sabi nga nila, expect the unexpected."

Maaga akong pumasok sa opisina upang asikasuhin ang mga naiwan na trabaho ni tito dito dahil may business trip siyang gaganapin sa Korea.

Bising-busy ako sa katitingin sa mga papeles na naiwan ni tito ng biglang nag ring ang telepono.

"Uhmm... Sir, may naghahanap po sa inyo. Venus, daw po ang pangalan. Papapasukin kopo ba?" Tanong ng sekretarya sa kabilang linya.

Kahit nagdadalawang isip pa ako kung papapasukin koba siya o hindi ay pinapasok ko nalang siya. Baka may importanteng sasabihin? Or what?

Pagkabukas ng pintuan ay bumungad ang namumutla-mutlang si Venus, magulo ang buhok at medyo mapula ang gilid ng kanyang mata dahil siguro'y umiyak ito.

Dahil sa kanyang itsura ay napatayo ako. "Anong nangyari sayo?" Nilapitan ko siya. Hindi man lang siya gumalaw sa kanyang kinaroroonan, nanatili siyang nakatayo malapit sa pinto.

Pagkalapit ko'y bigla siyang umiyak at tinakpan ang mukha gamit ang kamay at umiling-iling.

"Why?" Kunot noo kong tanong. Ngunit imbes na sumagot siya'y mas lalo lamang siyang umiyak. Humagulgul siya kaya't hinimas ko ang kanyang likod upang tumahan siya. "Why? Tell me..." Mahinahon kong tanong sa kanya habang patuloy parin siya sa pag-iyak.

Inalis niya ang kanyang kamay na nakaharang sa kanyang muhka at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi.

Suminghot siya. "I-Im... Im p-pregnant..." Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay muli siyang umiyak.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon