Chapter 29

311 11 2
                                    

C H A P T E R 29

STELLA

Nasa dining table kami para sa umagahan ng marinig namin ang isang doorbell.

Yumuko ang isang kasambahay sa amin. "Ako napo ang magbubukas." Aniya. Tumango lang si Emman at tumulak na ito.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Ako naman ay busy sa pagkuha ng mga ulam papunta sa aking pinggan, samantalang si Emman naman ay nagkakape at may kinakalikot sa kanyang laptop.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo..." Sa akin unang bumaling si Klarita ng makabalik siya sa dining.

Kumunot ang noo ko at napatingin kay Emman. Kunot noo narin ang noo niya at kuryosong nakatingin sa kasambahay. Ibinalik ko ang tingin kay Klarita.

"Sino?"

"Miss Q, daw po..."

Tumayo ako at napatingin uli kay Emman. Tumayo rin ito at nagkatinginan kami ng ilang saglit bago ako tumahak pababa papunta sa gate.

Hindi pa ako nakakalayo ay pumulupot na agad ang braso si Emman sa aking baywang at inilalayan akong maglakad patungong gate.

Mula paglabas sa mansion ay natanaw kona ang iilang mga bodyguard at ang babaeng nakatayo sa harap ng gate. Suot ang isang black dress, black sunglass, at black sun hat ay mataman niyang iginagala ang buong tingin sa buong hardin at labas ng mansion. Tulad rin ng ginawa ko ng unang mapadpad ako rito.

Bumukas ang gate at napabaling siya sa aming dalawa ni Emman, ilang sandaling napako ang tingin niya sa brasong nakapulupot sa akin bago tinanggal ang sunglass.

"Ang mansion na ito ay makaagaw pansin. Lalo na ang hardin. I was thinking when I saw the design of this intravenous mansion. You did great huh?" Puri niya kay Emman.

"Thank you..." Si Emman.

Humalukipkip siya. "Hmp. Hindi niyo ba ako papapasukin?" Nagtaas siya ng kilay. Binitawan naman ni Emman ang brasong nakapulupot sakin at iminuwestiya kay Miss Q, ang mansion.

"You may..." Aniya bahagyang nakayuko.

Naunang naglakad si Miss Q, paloob sa mansion. Sumunod naman kami sa kanya.

"I like it." Aniya ng makapasok sa mansion at iginagala ang tingin sa buong paligid. "The design was very cool. Maaliwalas din ang kulay, masarap sa mata. Presko." Tumingin siya sa amin. "I like it here." Ngumiti siya.

Tumawa naman si Emman dahil doon. "You can visit here, anytime." Suhestiyon niya.

Nakakalokong tumawa naman si Miss Q, sa suhestiyon ni Emman. "No... I mean... Gusto kong tumira rito..." Ngumisi siya at iginala uli ang tingin sa buong mansion. Ngumuso naman ako. "Charottt!" Tyaka siya nagpakawala ng malalakas na tawa. Tumingin siya samin ng nakakaloko. "Syempre ayaw kong istorbuhin kayo 'noh! Baka hindi mabuo ang magiging inaanak ko!" Nagpatuloy siya sa pagtawa ng malakas at sinabayan naman ng biro iyon ni Emman.

Ngumisi siya. "Don't worry Miss Q, I will lock our room securely, so no one can disturbed us apparently. And I will make sure na walang tatakas na ingay mula roon para walang maka alam." Tyaka sila sabay na tumawa.

Umirap nalang ako at ngumuso hindi ko kayang makipagsabayan sa tawanan nila. It is because im their subject! Sino bang matutuwa kapag niloloko? Wala diba?

"Anyway..." Bawi ni Miss Q, ng matapos ang kanilang tawanan. "Hindi ako narito para bumisita... Im here because I have something so say..."

"What is it?" Masungit kong tanong.

Imbes na tumigil ay mas lalo lang siyang tumawa sa naging reaksyon ko. "Hindi ko alam na pikon ka pala, Stella? Oh, well..." Nagkibit siya ng balikat. "May nag offer sayo sa isang network para maging artista..." Kumunot ang noo ko. "I know that you will decline it, but Im just hoping, so..."

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now