Chapter 27

276 12 1
                                    

C H A P T E R 27

STELLA

Hinayaan ko nalang siya sa bago niyang kinaaadikan. He taste my colar bone like it is his favorite candy. Kahit nakikiliti ako kapag nahahampas ng kanyang maiinit na hininga ang mga balbon ko roon ay hinayaan ko nalang siyang gawin iyon. Sabagay nag e-enjoy din naman ako.

Prinoproseso ng utak ko ang lahat ng mga sinabi niya sakin, lahat ng mga, inamin niya sakin ngayong araw habang tinitignan ang mga punong naglalakihan sa kaliwang gilid ng daan.

Ang mansion niya ay napakarangya. Lalaking-lalaki ang disenyo, mula labas hanggang loob. Pati narin ang kanyang kwarto.

Mag-isa lang itong nakatayo sa gilid ng daan, at napalilibutan ng sandamakmak na puno. Mayroon siyang malaki at agaw pansing hardin kung saan mapapansin mo agad ang kagandahan at kapayapaan nito kung mapapadaan ka sa mansion'ng ito.

Modernong-moderno ang kulay, I will said that it is influence by contemporary arts. Siguro ang architect na kinuha niya ay isang contemporary artist. Dalawang palapag lang ang mansion ngunit mapapahanga ka sa angking ganda nito labas palang, at talagang mapapagala ang mga mata mo 'di oras sa mga antigong desenyo sa loob. Nakakita na ako ng mga mararangyang mansion sa mga litrato o sa mga teleserye, pero ibang iba ito sa aking paningin. May ganitong mansion pala sa mundong ito?

Tahimik lang siya sa aking gilid at ng may maalala ako'y agad akong napabaling sa kanya.

Nakita kong nakapikit ang mata niya at nakahilig ang ulo sa aking kanang balikat. Ah... Kaya pala tahimik. Natutulog ba'to?

'Ni hindi ko man lang naramdaman na napaidlip na pala siya sa balikat ko? Siguro'y tuon ang pansin ko sa pag gala ng isip sa kanyang magarbong mansion.

Tinignan ko muna siya ng mga ilang sandali bago napagpasyang gisingin. "Emman..."

Pero sa marahan kong tapik sa kanyang braso ay parang walang kwenta. Hindi man lang siya nagpataubiling gumalaw o mag aksaya ng oras para gumising. "Emman..." Sapagkakataong ito ay mas nilakasan kona ang pag tapik sa kanyang braso.

Gumalaw-galaw ang kanyang kilay at unti-unting ibinuka ang mapanuring mata. Kinusot niya ito at dumiretso sa pagtayo. Tinignan niya ako ng magkasalubong ang kilay. "Why?" Pipikit-pikit pang aniya.

"Paano ang pictorial, ko? Magagalit si Miss Q, kapag--"

"Iyon lang ba ang dahilan mo kaya mo ako ginising?" He said huskily, diretso ang tingin niya sakin, na para bang isa iyong kasalanan kung bakit kopa siya ginising.

Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya nag isip pa ako ng ibang dahilan. At ng walang pumasok sa utak ko ay nagsalita nalang.

"Yes?"

"Tsss," singhap niya at humilig uli sa balikat ko tyaka ipinikit uli ang mata. "Huwag mo ng alalahanin iyon..." He said lazily and huskily.

Tinigna ko siyang nakahilig doon. "Anong huwag alala--"

"I planned that." Pagtatapos niya sa gusto kong sabihin habang nakapikit parin ang mga mata.

Nag isip muna ako bago nagpakawala ng kuryosidad. "Y-you planned, what?" Kuryoso kong tanong.

His eyes opened with a smirk. Umupo ulit ng diretso at sandaling tumingin sa kawalan bago ituon ang pansin sakin. "Nung malaman ko na hindi ako ang ama ni Pfeiffer, ay pina alam ko agad ang mga schedule mo, at kung saan ka pupunta. At ng malaman ko ang lahat ng ruta mo, ay hindi na ako nagdalawang isip na sundan ka. Pumunta ako sa US, Canada, Australia, Italy, Paris, and even UK. Kahit medyo pahirapan ang pagpasok sa mga bansang iyan at kinailangan kopa ng Visa, ay tiniis ko... para lang makita ka." He said seriously looking directly in my confuse eyes.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now