Chapter 5

327 19 1
                                    

C H A P T E R  5

STELLA


"STELLA!!! BUMANGON KANA RIYAN! ALA UNA PA YUNG PRESCON MO!" rinig kong sigaw ni Cassandra mula sa labas ng kwarto ko.

Napilitan naman akong bumangon at papikit-pikit na naglakad sa banyo.

Nung makarating ako sa venue kung saan ang una kong prescon ay sandamak-mak na agad ang mga tao.

Pagkasampa ko sa entablado ay nagsimula na agad ang mga tanungan. Nasagot ko naman ang lahat ng mga tanong nila maliban nga lang sa mga private topics.

Natapos ang prescon ko nang mga bandang alas tres. Tinawagan din ako ni Miss Q para sabihin ang mga naka sched ko pang interview bukas.

Pagkatapos kong makipag-usap kay Miss Q ay nagpahinga na ako. Kailangan kong magpahinga dahil siksik na naman ako bukas.

Kusa akong nagising nang mga bandang alas singko ng hapon. Pagkagising ko ay wala na akong oras na sinayang at nagpunta sa banyo para maligo.

Pagkabukas ko ng shower ay hinayaan ko lang na umagos ang tubig mula doon dahil kahit anong iwas ko ay laging pumapasok sa isip ko si Emman.

Bakit nakaramdam ako ng kaunting saya matapos kong makita si Emman? Bakit parang hindi kumupas ang nararamdaman ko kahit limang taon na ang nakalipas? Bakit may parte parin sa aking hinahanap siya?

Hays... Stella, nakalimutan muna ba? Niloko ka lang niya. Pinaglaruan ka lang niya. Hindi ka niya mahal! At hindi ka niya minahal kahit minsan.

Pero bakit nakakita ako ng kasiyahan sa mga mata niya matapos akong makita?

Stella, forget it! He's an asshole!

Pilit kong iniwasan ang mga bagay na nakita ko sa kanya kanina. Pero kahit anong gawin kong iwas ay itinatakwil ako ng isip ko. Ginigulo, nililito, at napakarami ring tanong ang nabubuo.

Hanggang sa namalayan ko nalang na nakasuot na pala ako ng dress at kasalukuyang tinitignan ang sarili sa salamin.

Nang napagtanto kong naka suot pala ako ng itim sa dress ay nanumbalik sa'kin ang mga ala-alang hindi ko inaasahang magbabalik pa.

Naalala ko noong nagsuot ako ng Black Lace Ball Gown sa kanyang welcome party. Iyon ang unang beses na nalasing ako ng sobra. Iyon rin ang unang beses na isinayaw niya ako at mahawakan ang kanyang malalambot na kamay. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti matapos maalala ang mga sumunod na nangyari. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nagawa ko ang lahat ng 'yon.

"Oh Stella, nariyan kana pala. Ipapagising palang sana kita kay Cassandra," bungad sa'kin ni Miss Q pagkalabas ko ng kwarto.

"Pshhh... Buti naman! Hirap kayang gisingin niyan!" daing sa'kin ni Cassandra.

Nag usap pa kami doon ng ilang saglit tapos ay bumiyahe na kami papunta sa isang exclusive na japanese restaurant. Habang nasa biyahe kami ay nagkwe-kwento si Miss Q tungkol sa bago niyang business partner. Nasabi niya ring si Mr. Manzano iyon; na siya namang naging boss ko dati.

Nung una ay nagulat ako syempre, pero kalaunan ay nakabawi rin.

"May mga kasama rin siya," tinig ni Miss Q.

"Sino naman po?" enganyong tanong ni Cassandra.

Gwapo na naman iniisip nito panigurado.

"Hindi niya sinabi sa'kin 'yung pangalan basta ang sabi niya lang ay kasama niya yung anak niya at yung kaibigan ng anak niya."

"Yieee... sana lalaki 'yung anak niya, tapos gwapo!"

Tsss... Sabi na nga ba.

Imbes na makinig sa kanila ay itinuon ko nalang ang aking paningin sa labas ng salamin.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now