Chapter 21

238 12 0
                                    

C H A P T E R 21

STELLA

"Pwede ba Stella, huwag mo nga akong biruin ng ganyan! Hindi magandang biro iyan ah!" Pinamaywangan ako ni Cassandra habang umiinom ng tubig sa harap ng ref.

Sana nga panaginib lang ang nakita ko, sana nag iilusyon lang ako. Dahil sa oras na napatunayan kong tama nga ang hinihinala ko ay baka hindi ko kayanin ang konsensiya ko. At baka hindi ko rin mapatawad ang sarili ko dahil sa ginawang desisyon.

Pagkatapos uminom ay ibinalik ko ang pitsel sa loob ng ref. Tumingin ako sa kanya. "Bakit naman kita lolokohin." Walang ganang usal ko at naglakad nalang papuntang terrace. Sinundan naman niya ako.

Sa sinabi ko nalang ay parang nasaktan na ako, what more kung totoo nga?

Kailan kaya matatapos ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko? Masakit na nga ang puso ko dahil nagsisi na ako. Tapos dinagdagan pa nito? Sana lang hindi totoo, sana lang hindi siya, sana lang nagkamali ako ng hinala.

Sa nakita ko kanina ay parang nawalan na ako ng ganang mabuhay pa sa mundong ito. Kahit hindi kopa kumpirmado. Feeling ko siya nga. Malakas ang kutob kong siya nga. Dahil kung hindi siya, sino naman siya para alalayan ng ganoon ka ingat si Venus? Depende nalang kung siya ang ama ng dinadala nito. Dahil kung siya man...

Biglang bumuhos ang luha ko kaya pinalis ko iyon bago paman makita ni Cassandra.

Ngunit pagka upo ko sa sofa ay hindi ko natago ang mga luhang umagos sa aking mata. Patuloy iyon sa pag-agos na tila hindi nauubusan. Yumuko nalang ako at tinakpan ang mukha gamit ang kamay.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bahagyang paglubog ng kalahating bahagi ng sofa. Tumingin ako sa umupo roon.

Ngumiti siya at pinalis ang mga basa sa aking pisngi gamit ang likod ng kanyang kamay. "Kaya mo yan. Huwag mong ipakitang marupok ka. Kung hindi talo ka. Panatilihin mong matibay ka, kahit sa loob-looban mo ay isang yapag nalang ay babagsak kana. Ipakita mong masaya ka kahit sa loob mo ay punong-puno kana ng kalungkutan..."

"Tyaka ano kaba! Bakit ka nalulungkot? Sabi mo nga diba? Hindi mopa alam kung siya nga talaga ang ama ng pinagdadala ni Venus. Huwag kang mawalan ng pag asa. Huwag kang maniwala kung wala pang patunay. Malay mo sinamahan niya lang si Venus na bumili sa tindahan na yun, diba? Hay nako Stella, ikaw lang ang gumagawa ng sakit na dinadamdam mo. Kung hindi mo iisipin na siya ang ama hindi ka masasaktan. Ano kaba! Huwag kang Nega!"

"Bakit naman niya sasamahan si Venus kung hindi siya ang ama? Ano yun? Bait-baitan lang? Tyaka isang beses palang sila nagkita dati. Sa resort. Sa tingin mo. Sa ilang oras nilang pag uusap doon naging magkaibigan na agad sila?"

Nagkibit balikat siya. "Malay mo naman..."

"Walang ganoon Cass. Mahirap magbigay ng tiwala sa taong hindi mo kilala. Tyaka hindi niya pinapansin noon si Venus. Nasa akin ang atensyon niya..." Lakas loob kong sambit.

Bumuntong hininga siya. "Well... Kailangan talaga natin ng patunay." Tyaka siya ngumisi at pinandilatan ako. "Nasayo talaga ang atensyon, huh?" Tukso niya.

Pasalamat ko't tumunog ang phone ko, kung hindi ay aasarin ako ni Cassandra.

"Hello Miss Q,"

"Stella..."

"Po..."

"May dinner tayo mamayang six pm ite-text ko nalang sayo kung saan."

"Okay po, wala na po ba kayong ibang sasabihin?" Tanong ko.

"Uhmm... Mamaya nalang siguro."

"Sige po," ayun lang at ibinaba niya na ang linya.

Yun lang at itinawag pa niya. Pwede naman niyang itext nalang. Hay...

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now