Chapter 14

227 12 0
                                    

C H A P T E R 14

CASSANDRA

"Thank you," ani Emman matapos I- serve ng waiter ang inorder na wine.

"Gusto niyong uminom?" Si Emman habang binubuksan ang bote ng wine. Bumaling siya sa'ming dalawa ni Stella na nakataas ang kilay.

He's waiting for our respond, kaya napabaling ako kay Stella at kinalabit siya. "Ano raw? Gusto mong uminom?"

Hindi siya sumagot tinitigan niya lang ako. "Huy! Ano ba, tinatanong tayo, oh."

"Ano'ng klaseng wine 'yan?" Ignora niya sa'kin at binalingan si Emman.

Tumingin naman sa kanya si Emman. "Marini Vermouth Rosso," ani Emman.

Matapos magsalita ni Emman ay lumipat ang tingin ko kay Stella na ngayon ay uminit na ang pisngi! What's wrong?

"Ayoko." Ilang sandali pa bago siya sumagot sa sinabi ni Emman at nag-iwas ng tingin.

"Bakit?" si Emman.

"Ayoko nga."

"Dahil ba..." May namuong nakakalokong ngisi sa labi ni Emman. Oh... Damn that Dimple!

"Ayoko nga sabi." Pagmamatigas niya pa.

Naka ngising nagkibit balikat si Emman. "Sige, sabi mo eh."

STELLA

"Bakit ayaw mong makisali sa inuman nung tatlo?" tanong ni Cassandra pagkarating namin sa dorm. "Mukhang masaya pa naman." Naka ngiwing dagdag niya at nagkibit balikat.

Ayoko. Iba ako kung malasing.

"Ayoko nga. 'Wag kang makulit." Umupo na ako sa sofa at inihiga ang ulo sa sandagan para marelax ang sarili.

Umupo naman si Cassandra sa tapat. "Bakit nga?" pangungulit niya.

Sa inis ko ay ibinaling ko ang tingin sa kanya. "May naalala lang ako. At ayoko na ulit mangyari iyon nang dahil doon."

Kumunot ang noo niya at naging kuryoso. "Huh?"

Nagsimula akong mag kwento sa kanya nang nangyari anim na taon na ang nakalilipas. Humagalpak naman si Cassandra sa katatawa matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari noon dahil sa alak na 'yon.

"Dahil sa alak na 'yon, ayon nalasing ako nang sobra. At dahil sa sobrang kalasingan ko hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko sa kanya. Naalala ko lang noong nahimasmasan na ako."

"Ano ba 'yan, Stella! Para kang baliw sa pinaggagawa mo. Parang hindi ko maimagine na magagawa mo iyon! Napaka assuming mo! Tapos gusto mo pang makita yung ano niya?" Huminto siya para tawanan ako. "Patay na patay ka pala kay Emman noon eh," aniya at pinupunasan ang mata niya dahil sa katatawa.

I know that, kaya nga tumanggi na ako na uminom ulit dahil baka hindi ko na naman alam ang gawin ko at kung ano-ano ang masabi ko. Mas magandang umiwas nalang kaysa mapahiyang ulit.

"Para kang babae'ng gustong kumawala sa hawla. Hahaha! Grabe ka! Dinaig mo pa ako, bes!"

"Dati pa 'yon, iba na ngayon. 'Tsaka huwag mo nga akong maitulad sa'yo. Hindi ako patay gutom sa mga gwapo, hindi ako katulad mo." Inirapan ko siya.

Tinaasan niya naman ako ng kilay "Hindi ka nga patay gutom sa mga gwapo, pero patay na patay ka naman sa gwapong tulad ni Emman, ano?" Hamon niya.

"Pwede ba? Tumahimik ka na nga lang. Ka-stress!" Iritadong sabi ko sa kanya 'tsaka naglakad patungong kwarto.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHOnde as histórias ganham vida. Descobre agora