Chapter 16

231 13 1
                                    

C H A P T E R 16

STELLA

Hinawakan niya ang aking batok para mas palalimin pa ang aming halik. Dahan-dahan kong inilagay ang aking mga kamay sa kanyang matipunong dibdib. Sinusubukan siyang itulak pero tanging iba ang pakiramdam ko sa tuwing hahalikan niya ako ng mas malalim.

Napakabilis ng pintig ng puso ko dahil doon. Halik na parang matagal na niyang gustong makuha ngunit hindi niya magawa. Halik na napaka malumanay at parang humihingi ng isang kapatawaran. Halik na parang ilang taon na niyang hinihintay at ngayon lang siya napagbigyan.

Ilang sandali kaming ganoon ang posisyon hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas ng loob na itulak siya. Napaawang ang kanyang labi nang gawin ko iyon. Bahagya rin siyang naghahabol ng hininga dahil sa aming halikan. Napakaraming tilian ang bumalot sa paligid matapos iyon.

Nakita ko ang gulat, nangungusap at pagmamakaawa sa kanyang mga mata. "I'm sorry, I have to go..." paalam ko kung sino man ang nakarinig noon. Dali-daling tumayo at naglakad patungong resort. Narinig ko ang ilang pagtawag sa'kin ni Cassandra mula sa likod pero hindi ko na pinansin. Pati ang mga taong nakatingin sa'kin habang naglalakad palayo.

Nang magawa kong makapasok sa room ay agad ko iyong ni-lock at sinapo ang aking noo.

"Damn it! Why did you do that Stella? Bakit mo hinayaang mangyari iyon!" Sigaw ko sa sarili pagkapasok. Sinabunot ko ang aking buhok at pabagsak na umupo sa sofa. 

"Stella..." a voice echoed in our room. Tumingin ako sa pintuan. Cassandra is trying to lock our door nang tumingin ako sa gawi niya. Her eyes was full of concern.

I look at her straightly. "Masaya ka na?" I asked her coldly.

Lumapit siya sa'kin. "I was trying to–"

"No! Sinira mo ang mga plano ko!" putol ko sa kanya, "alam mo ba kung bakit hindi ko pa siya mapatawad-tawad hanggang ngayon, huh?" nagtiim bagang ako dahil sa galit na nararamdaman.

Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero inilayo ko iyon. "I-I'm sorry–"

"Alam mo ba, huh?" hindi ko na mapigilan ang galit ko dahilan kung bakit ko siya napagtaasan ng boses.

Nagbaba siya ng tingin at umiling. "H-Hindi," aniya.

"Hindi ko siya magawang patawin dahil sinira niya ang tiwala ko at..." napa buntong hininga ako. "Pati ikaw, sinira mo rin."

"I-I'm sorry..." nag angat siya ng tingin sa'kin at nakita ko ang isang luhang umagos sa kanyang pisngi.

"I'm so disappointed to you." Tinalikuran ko siya at pumasok sa kwarto ko at ni-lock iyon.

Pagkapasok ko sa loob ay pumunta agad ako sa banyo para maligo. Lutang ako habang pinapabayaan na umagos ang tubig sa'king katawan. Did I kissed him back?

Napahawak ako sa aking labi at inalala ang nangyaring halikan sa'ming dalawa. The only thing I know is that we kissed. Not definitely I kissed him back but he kissed me gently but I didn't responded. Pero nagpalunod naman ako sa kanya. How stupid you are Stella.

Umiling ako at napasabunot sa aking ulo. You think that I should forgive him this time? Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil sa naisip. I think... ha! Never mind!

"Stella, tara na. Baba na tayo. Tinatawag na tayo ni Miss Q," nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pintuan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at kinusot iyon.

"I'm coming..." Inaantok ko pang sambit. Pumasok ako sa banyo at sinimulan na ang aking morning rituals. Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto. I'm only wearing a black spaghetti strap dress when we got to the restaurant.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now