Chapter 25

256 12 0
                                    

C H A P T E R 25

STELLA

Sa sobrang bilis ng araw at sa sobrang busy sa aking career ay hindi kona namalayan na lumipas na pala ang pitong buwan! Ngayo'y kababalik ko pa lang ng pilipinas at may panibagong proyekto nanamang gagawin! Hanggang kailan ko kaya ito titiisin?

"Ngayon kamusta napo ang career niyo? Balita namin ay pinagaagawan ka ng mga naglalakihang sikat na magazine." Tanong ng host ng magawi uli ako sa isang interview.

"Well. Ayos lang naman tulad parin ng dati." Sagot ko.

"Eh, kamusta naman po ang love life? Meron napo ba?"

Tumawa ako sa katanungan na iyon. "Wala pa naman. Pero kung meron..." Nagkibit balikat ako. "Bakit hindi?" Tyaka ako ngumiti.

Natapos ang interview ay hindi parin ako tinantanan ng media. Pagkababa ko ng building na 'yon ay sandamakmak ang media'ng halos magkamatayan makalapit lang sakin. Buti nalang at pinalibutan ako ng mga bouncer kaya matagumpay akong sumakay sa aking Aston Martin DB7 na nakapark sa private park nitong building.

Pinark ko iyon ng swabe sa aking parking space at sumakay sa elevator. Kadarating kopa lang ng unit ng biglang nag video call naman si Cassandra. Walang alinlangang sinagot ko iyon at umupo sa sofa.

"Yeoboseyo!" Nakangiti siyang nag wave siya sa screen.

"Hello..." Ngumiti rin ako pabalik.

"Kamusta? Balita ko balik pinas kana 'ah?" She started the conversation.

"Ito, ayos naman. Dami paring ginagawa...."

"You, know? Sobrang saya ko sa narating mo! As in! Sobrang sikat mona! Akalain mo 'yun, diba? Im so proud of you!" Masayang aniya.

Parang kumirot naman ng kaunti ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Ipagpatuloy mo lang iyan! Andito lang ako, susuporta sayo..."

I awkwardly smiled. "Thank you..."

"Ah... Siya nga pala, ito 'oh..." Bigla niyang inilipat ang camera sa mga nag-gagandahang pink na cherry blossom na nakapila sa daan. Tapos ibinalik ang camera sa sarili. "Naalala ko no'ng sabi mona pangarap mong makakita ng cherry blossom. Season na nila ngayon, at sobrang ganda nila!" Tapos ipinakita uli ang nakapilang cherry blossom sa bawat gilid ng daan.

Mangiyak-ngiyak ko namang tinitigan ang ganda ng bawat isa.

Sana makita ko sila at mahawakan...

Kasalukuyang nasa korea si Cassandra.  Pinauwi ng pamilya ng malamang nabuntis siya. Ginusto naman niya roon dahil ayaw niyang ipaalam sa ama ng bata na buntis siya.

Pitong buwang buntis ngayon si Cassandra. Nagulat nga ako ng malaman ko na buntis siya. Akala ko nagbibiro lang siya pero nang ipinakita niya sakin ang pregnancy test ay para akong natauhan. Gusto ko siyang puntahan at komprontahin pero dahil marami akong gawain noon ay hindi ko nagawa. Pinabayaan ko nalang at sinuportahan ang gusto niyang mangyari.

Ibinalik niya ang camera sa sarili at naglakad. Dumaan siya sa arko ng sanga ng mga bulaklak ng cherry blossom.

"Kamusta ang baby mo?" Tanong ko agad ng maalala.

Tumaas ang ngiti niya. "Malusog na malusog! At dalawang buwan nalang, makikita kona siya!" Excited pa niyang sabi.

Tumawa ako. "Huwag ka masyadong magsisigaw at baka mapa-anak ka diyan, sige ka."

"Hindi ko kasi mapigilan! Nakaka excite kaya!"

"Oo nga pala, ano ang gender? Babae ba? O lalaki?" Kuryoso kong tanong.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon