Chapter 12

251 9 0
                                    

C H A P T E R  1 2

STELLA

"Bakit hindi niyo sila isama kung ganoon?" Sabi ko habang humihiwa ng carrots.

"Kung isasama ko sila, edi wala ka ng kasama rito."

"Edi iwan niyo si Mia at isama niyo si Emman."

"Paano kung may manloob dito edi walang tutulong sa inyo. Wala kayong kasamang lalaki."

"Ma... Ilang taon na akong naninirahan dito sa baranggay nato, ni minsan wala akong nabalitaan na may niloob dito."

"Anak, mas mabuti nang mas sigurado."

CASSANDRA


Omg! Nasaan na 'yong Eye Lashes ko! Hindi ako pweding lumabas ng wala 'yon. Nasaan na 'yon?

Patuloy ang pag hahalungkat ko sa mga gamit ko sa loob ng kwarto para lang mahanap ang Eye Lashes ko pero kalaunan nakalagay lang pala sa harap ng salamin. Napasapo ako sa noo nang sa wakas ay nakita ko.

Ano bayan napaka burara mo Cassandra! Kapag nawala 'yan edi hindi kana makakalabas!

Nang matapos akong mag-ayos doon ay lumabas na ako at dumiretso sa sala. Naabutan ko nalang na naroon na pala ang lahat.

Oh my god. Ako nalang yata ang hinihintay nila! Kainis kasing Eye Lashes na 'yan, hindi agad nagpakita!

"Oh siya mauna na kami," ani nanay ni Stella.

Actually kanina pa ako hindi mapakali nung malaman kong ipapasyal nila kami sa buong lugar. Marami raw tourist attractions dito at talagang magaganda ang mga tanawin. Hindi tuloy mapalagya ang excitement ko dahil doon.

"Siya nga pala Emman, paki-usap ko maiiwan ka muna rito kasama sila Mia at Stella. Ayos lang ba iyon hijo?" Dagdag niya.

"Opo,"

STEFFERSON


Naks naman Emman! Makaka-iskor na siya kay Stella. Pustahan tayo may world war 2 dito mamaya.

Ako kaya? Kailan makaka-iskor sa kasama ni Stella? Paksheyt ang ganda niya! Ang puti, ang tangos ng ilong, ang kinis ng balat, ang bango, at higit sa lahat ang sexy!

EMMAN

"Tito Emman laro po tayo!" Lumuluksong papalapit na sabi ni Mia sa'kin pagka alis nila.

"Ano namang lalaruin natin? Halos lahat na yata ng laruan mo nalaro na ata natin kahapon. Meron pabang hindi?"

"Opo," nahihiyang sambit niya.

Ang cute-cute niya. Ka mukha niya si Stella. Lalong-lalo na kapag nakangiti siya. Ang maliit niyang mukha ay kaparehas rin ng kay Stella, ang buhok niya na may kaunting kulot sa dulo ay katulad rin ng kay Stella. Natatandaan ko noong nakita ko ang picture ni Stella noong ganito pa siya kaliit. Siyang-siya si Mia.

"Ano namang lalaruin natin?" Umupo ako sa harap niya para magpantay ang height namin.

Kung magkaka-baby ako sana ganito rin ka kulit at ka bait at sana maging kamukha siya ni Stella. Para kapag namiss ko siya, meron akong titignan para makita siya.

"Bahay-bahayan po. Ikaw po 'yong Daddy ko tapos si Tita Stella naman po ang Mommy ko!" natutuwang suhestiyon ni Mia.

CASSANDRA


"Tara rito," ani nanay ni Stella at pumasok sa isang bahay na medyo may kaliitan.

"Nay, Ma," tawag niya.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon