Chapter 22

249 11 2
                                    

C H A P T E R 22

STELLA

Hindi ko alam kung sinundan niya pa ako matapos no'n. Nang makakuha ako ng lakas ng loob ay agad ko ng pinaandar ang kotse at nilisan ang lugar na iyon.

Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta ngayon. Wala ako sa sarili at hindi alam kung saan ako ipupunta ng sariling sasakyan. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang nakita ko kanina. Kung gaano tumagos sa puso kona makita silang magkasama.

Sinasadya ba nila talaga akong saktan? Kailan ba talaga nila ipakita sakin kung gaano ako katanga? Kailangan ba talaga nilang makita kung paano ako madurog ng harap-harapan? Planado ba ito? Paghihiganti ba ito ni Emman?

Wala na akong ibang ma-isip kundi ang magpakamatay. Ano kaya kung ibangga ko ang sasakyan sa puno? O kaya sa bangin?

Siguro sa paraang iyon magiging masaya na sila. At sa wakas mapapalis nadin ang sakit na nanunuot sa puso ko.

Umiling ako, at kasabay no'n ay ang pagtagos ng aking luha mula saking mga mata.

Depressed na depressed na ako. Hindi kona alam ang susunod kong gagawin. Ini imagine ko palang na magiging masaya silang dalawa kasama ang magiging anak nila, durog na agad ang puso ko. Hindi ko sila kayang tignan na magkasama.

Mas magandang mamatay nalang ako kaysa makita silang masaya. Kahit ayaw kong magalit dahil una palang naman ako na ang mali, ay hindi ko maiwasan. Parang kinakain ako ng konsensiya ko at sising-sisi na nga ako itotodo pa nila. Para nila akong tinatapak-tapakan.

Pero kahit ganoon mas tatanggapin kong maging malungkot kaysa manuot sa galit. Mas tatanggapin kong ako ang magdusa kaysa sila ang magdusa.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kung ibabangga ko nga ba ang aking sasakyan, o hindi. Gulong-gulo na ang aking isip. Napaka sakit narin ng aking ulo.

Kalahati sakin na gusto ng ibangga ang kotse, ngunit nilalabanan iyon ng isa na tila ba kung sinunod ko nga iyon ay mas lalo lamang akong magsisisi.

Mabilis kong inikot ang aking sasakyan sa isang bagahi ng kalsada.

Hindi tamang paraan ang pagpapakamatay para masolusyunan ang mga problema. Ang problema ay sinusolusyunan hindi tinatakasan.

Huminto ang aking sasakyan sa harap ng isang high end na bar. At sa tingin ko isa itong pribadong lugar dahil ang mga pumapasok ay nakasuot ng mga magagarbong kasuotan.

Ilang sandali kong inayos ang sarili sa rear mirror at pinagaan ang pakiramdam bago ko nilisan ang aking kotse.

Pagkapasok ko sa bar ay tama nga ang hinala ko. Hindi lang ito basta ordinaryong mga bar. Malawak ang lugar at napaka linis ng paligid. Sa unang pagpasok ang tanging bubungad sayo ay ang tahimik na entrance. Ngunit kung sinuyod mo iyon at napunta ka sa kanang bahagi ng lugar ay doon mo maririnig ang salu-salong ingay. Mga ilaw na nagsasayawan at mga taong may iba't-ibang mundo.

Dumiretso ako ng lakad hanggang sa mapunta ako sa isang bakanteng lamesa. Pagka upo ko roon ay bigla akong sumenyas sa waiter di kalayuan, agad din naman nitong nakuha ang aking nais at nagtungo sa aking gawi.

"Bigyan mo ako ng hard drink na inumin." Utos ko pagkalapit nito.

"What kind of hard drink do you want, ma'am?" Tanong ng waiter.

"Anything, basta hard drink." Sabi ko nalang dahil sa totoo ay wala akong alam sa mga klase ng alak dahil hindi naman ako madalas sa mga bar. Andito lang ako para alisin ang sakit na namimilipit sa aking puso kahit ilang saglit lang.

"Ok, ma'am..." Aniya at may isinulat sa isang maliit na piraso ng papel at tyaka ako nilisan.

Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang aking phone, hindi kona sana sasagutin iyon ngunit ng makita si Cassandra, ang tumatawag ay sinagot kona.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now