Chapter 1

903 20 4
                                    

C H A P T E R  1

EMMAN

Limang taon na ang nakararaan simula nang huli kong makita si Stella. Hindi ko lubos maisip na ma mi-miss ko siya ng sobra-sobra.

Na mi-miss ko ang mukha niyang maganda, ang buhok niya, ang ngiti niya, ang amoy niya, ang ka sweetan niya, ang presensiya niya, at higit sa lahat nang na miss ko sa kanya ay ang tamis ng kanyang labi. Ang kanyang matatamis, malalambot, at mapupulang labi.

Simula nang hindi ko na nakita si Stella ay unti-unti akong nagsisi, na ko-konsensiya, at unti-unti ko ring nakita ang halaga niya.

Ni minsan hindi ako nagawang regaluhan ni Riah pero si Stella, kahit mahirap lang sila. Nagawa niya akong regaluhan. Simple man o hindi.

Maalaga siya, mapagmahal, at mabait. Bonus nalang talaga ang kagandahan niya. Sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit pinili ko si Riah noon. Na kahit minsan ay walang kalambing-lambing sa’kin. Mas mahalaga pa yata para sa kanya ang mga make-up niya kaysa sa’kin.

Kung pinili ko si Stella noon. Hindi na sana ako nagkaganito. Hindi na sana ako nasaktan ng lubos, nagsisi, nagdusa, at nadurog ang puso kong wala ng ibang sinigaw kung hindi si Stella lang.

Sinubukan ko ring pumunta sa bahay nila kaso iba na ang nakatira. Ang sabi ng ginang na nakatira roon ay ibinenta na raw sa kanya ang bahay at lupa ng isang babae. Batid kong iyon ang nanay ni Stella. Tinanong ko rin siya kung may ideya ba siya kung saan lumipat ang nagbenta sa kanya kaso ang sabi niya ay wala raw. Sinubukan ko din sila na ipahanap dito sa Manila  kaso walang nahanap maski isa. Simula kasi noong umalis si Stella sa opisina ko ay wala na akong balita tungkol sa kanya.

Simula din nung umalis siya ay araw-araw na akong tulala. Lutang, wala sa sarili, at kinakain ng konsyensiya. Maski sa mga meetings na inaatendan ko ay hindi ko na magawang makisabay.

Siguro ito na ang tinatawag nilang karma. Tama nga si Steff dapat ay hindi kona ginawa iyon kay Stella. Tuloy, sising-sisi na ako at parang ayaw ko nang gumising sa umaga dahil bawat pag bukas ng mga mata ko, nakikita ko ang mukha ni Stella. Na siyang nag papa konsyensiya sa’kin ng lubos.

Akala ko ako ang magwawagi sa huli. Akala ko magiging masaya ako. Pero hindi, akala ko lang pala ‘yon dahil nahulog ako sa sarili kong bitag at nag sisi sa ginawang mali.

Akala ko hindi ako magkakagusto kay Stella. Pero nagkamali ako. Dahil habang patagal ng patagal, ay mas lalo ko siyang minahal at minamahal. Na noong una ay hindi ko nakita. Totoo ngang ‘Love Is Blind’. Dahil nung nandito pa siya sa tabi ko. Hindi ko siya minahal at pinahalagaan. Pero nang mawala siya ay doon ko unti-unting nakita ang halaga niya at unti-unti ko ring nalaman na mahal ko pala siya. Hindi ko lang nakita dahil mas nag focus ako sa gusto kong mangyari na lokohin siya.

Handa akong pagsisihan ang lahat. Basta patawarin niya lang ako ulit. Ipapakita ko sa kanya na sobra ang pagsisi ko nung mawala siya sa’kin. Kung pwe-pwede lang na lumuhod ako at halikan ang paa niya, gagawin ko. Pero paano ko iyon gagawin ngayong hindi ko naman alam kung nasaan siya?

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pintuan.

“Come in,” sabi ko.

Bumukas ang pintuan at tumambad sa’kin ang bago kong secretary.

“Ahh Sir may naghahanap po sa inyo. Stefferson Clint raw po. Papapasukin ko po ba?” tanong sa’kin ni Yyra.

“Sige Papasukin mo.” Sagot ko nalang at yumuko.

Nakaka walong secretary na ako simula nang mag resign si Stella pero ni isa sa kanila ay hindi nagtagal. Simula kasi nung magdusa ako ay lagi ko silang pinag-iinitan ng ulo kaya walang nakatiis nagsi alisan lahat. Si Yyra na ang ika siyam sa kanila at siya lang ang nagtagal.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now