Chapter 19

228 11 1
                                    

WARNING: THIS CHAPTER MAY CONTAINS SEXUAL ACT AND NOT APPROPRIATE FOR SOME AUDIENCES. AUDIENCE DISCRETION IS ADVICED.

C H A P T E R 19

STELLA

Hindi ko alam na may mas masakit pa pala sa pinaglaruan ka ng taong mahal mo. Akala ko iyon na ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ko pero hindi pala. Dahil ito, walang kapares. Ibang-iba sa mga sakit na naranasan ko noon at dahil sa sobrang sakit nito, hindi ko na maramdaman ang ibang parte ng katawan ko.

Siya kaya ang nakabuntis kay Venus? Shit! Bakit iniisip ko palang masakit na. Paano pa kaya kapag naging totoo nga? Putangina! Hindi ko kaya! Patayin niyo nalang ako!

Sa sobramg sakit ng puso ko at dinagdagan pa ng mga iniisip ko, hindi ko namalayang napadapa nalang ako sa sahig. Parang wala ng lakas ang katawan ko matapos makita iyon. Sana lang paranoid ako. Sana hindi siya. Dahil kung siya man. Tangina! Pinatay niyo nalang sana ako. Hindi ako patutulugin ng konsensiya ko. Ngayon palang hindi ko pa kompirmado na siya nga, todo-todo na akong nilalamon ng konsensiya ko. Paano pa kaya kung siya nga?

Para akong unti-unting tino-torture sa sakit. Unti-unti binabalatan ang puso kong nagdurugo.

Emman...

"Oh my god! Ma'am Stella! Oh My God!" ayon ang huling tinig na aking narinig bago nagdilim ang aking paningin.

EMMAN

"What's the doctor said?" tumingin ako kay Venus na nasa kanan ko.

"He said that the baby is fine. He's healthy. You don't have to worry," she said.

I nodded. "Do you have anything to buy?" I asked her again when I sew a store near us before we get back to our mansion.

"Uhmm... yeah. I need a pregnancy book. My doctor recommend that so I'll get at least one."

"Okay," I respond and park the car near at the store.

Umikot ako sa sasakyan at pinagbuksan siya. Inalalayan ko rin siyang pumasok sa loob ng tindahan.

"I'm fine here. Just wait outside." She ordered.

Pinabayaan ko nalang siya sa gusto niyang mangyari at saka ako lumabas upang hintayin siya roon. Ilang minuto rin akong naghintay at nang sa wakas ay lumabas siya, inalalayan ko siya sa baywang hanggang makapasok sa loob ng sasakyan at saka ako umikot sa driver seat.

"So we can go now?" I ask her again. Tumango siya kaya pinaandar ko na agad ang sasakyan at nilisan ang lugar.

Hindi ko lubos akalain na ganito ang kalalabasan ng lahat. Naalala ko nang pagalitan ako ni Tito dahil dito.

"Are you insane?!" nanggagalaiting sigaw ni Tito sa'kin matapos malaman ang balita. Pati ako'y hindi rin makapaniwala ng malaman iyon. Nagbaba nalang ako ng tingin at hinayaan nalang si Tito na sumigaw sa harap ko.

"I know you're a fuck boy, Emman! Ever since! Nasa US palang tayo alam ko ng pinaggagawa mo gabi-gabi kapag napupunta ka sa mga bar! Pinalipas ko lahat ng 'yon pero ito..." umiling siya. Sinapo niya ang kanyang noo pagkatapos ay hindi makapaniwalang pinamaywangan ako. "Sa pagkadami-daming babae ang pwede mong buntisin, si Venus pa! Alam mo bang sikat na model iyon sa buong mundo?! Ngayon? Paano na ang career niya? Wala na! Dahil sinira mo!"

"Tito..." sinubukan kong hawakan siya sa braso ngunit iniwas niya iyon.

"Paano na iyan? Paano pa siya makakarampa sa intablado ngayon, kung nilagyan mo na ng laman ang tiyan niya? Hindi mo man lang inisip ang karera at pangalan ng babaeng iyon bago mo binuntis huh, Emman?" sigaw niya ulit. Nag echo ang kanyang boses sa loob ng sala ng mansion.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now