Chapter 2

392 20 0
                                    

C H A P T E R  2

EMMAN

Naglalakad ako ngayon sa kwarto habang nilalaro ang whiskey na nasa baso ko nang matanawan ko ang picture na ineregalo ni Stella sa'kin nung 3rd weeksary namin.

Hindi ko maiwasan na hindi maging emosyonal nang makita ko ang litratong iyon.

Ito ang araw na ibinigay niya sa'kin ang matamis niyang oo na kailan man ay hindi ko nagawang pahalagaan. Ito ang araw na hindi ko inaasahan na magiging masaya ako sa hindi ko mawaring dahilan. Ito rin ang araw na sumabog ang puso ko sa sobrang saya nang makita ko ang kislap sa kanyang mga mata. Nag halo-halo ang aking naramdaman. Naging masaya at kinakabahan dahil baka ma-reject ako.

Bakit ba kasi hindi ko nakita ang halaga mo Stella? Bakit ba kasi naging bulag ako? Bakit ba kasi hindi kita pinili noon? Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko?

And now, I know what love means. 'Love is Unexpected' because I didn't expect that I will fell to her. The only thing that I know in love is that you only love the person you love. I didn't know how to fall in love. Maybe I don't have experience about love. I fell for Zebyriah's physical appearance but I didn't fall for her personality, emotionaly, and spiritualy. I was infatuated then but right now, I know where I was. I was fell in love to the girl I broke because of nothing.

At 'yung hindi ko nakita at hindi ko naranasan kay Zebyriah, ay nakita at narasanan ko kay Stella.

Lumapit ako doon at kinuha ang litrato. Hinimas-himas ko ang napakagandang mukha ni Stella doon.

"Nasan kana ba Stella? Naka move on kana ba? May mahal kana bang iba? May anak kana ba? Kung naka move on kana, ayos lang. Kung may mahal ka nang iba, ayos lang. Kung may anak kana at masaya sa piling nila, ayos lang din. Basta nasa'yo parin ako. Ikaw parin ang laman ng puso't isip ko. At kahit kailan, ikaw parin ang mahal at mamahalin ko habang buhay. Kahit nasa piling kana ng iba at masaya kana, ayos na ako roon. Tatanggapin ko ang lahat ng sakit. Tatanggapin ko na may anak kana, may mahal ng iba at makitang masaya sa piling nila. Pero kahit ganoon Stella, hinding-hindi parin ako magmamahal ng iba. Mamamatay akong ikaw lang ang mahal ko. Pakakawalan kita, hahayaan kong maging masaya ka sa iba. Basta mapatawad mo ako."

Hinalikan ko ang mukha ni Stella sa litrato at kasabay no'n ay ang pagpatak ng aking luha.

"Mahal na mahal kita Stella..."

CASSANDRA

Naglalakad na kami ngayon ni Stella sa hallway papunta sa kanyang condo nang napaisip akk.

"Stella," tawag ko. Kasalukuyan ako ngayong nakasunod sa kanya.

"Ow," tugon niya sa tawag ko at patuloy parin sa paglalakad.

"Gwapo ba talaga 'yong Emman na sinasabi mo?" tanong ko ng napapaisip.

Curious talaga ako sa mukha ng Emman na 'yan kahit idinescribe na ni Stella ang pagmumukha sa'kin, curious parin ako. Pero 'diba? Baka mamaya ang taas ng expectation ko tapos bigla akong ma di-disapoint. Siguro hindi naman. Kasi kapag jologs 'yon, hindi naman siguro kababaliwan ni Stella 'yon.

Sabi niya gwapo raw, matangkad, maputi, may kalakihan ang katawan, makintab ang buhok, makinis ang mukha, may magandang mata, perpektong ilong, mapupulang labi, maganda ang hulma ng kilay, medyo may mahabang pilik, at ang mas nakaka inlove raw sa kanya ay ang cute at malalim na dimple niya.

Ayon daw ang pinaka gusto niya sa lahat at ng dahil daw roon na inlove siya sa kanya. At ng dahil rin daw doon ay nasaktan siya ng sobra-sobra.

"Oo." Nagulat ako sa biglaang pagsalita niya. Medyo matagal na kasi nung tanungin ko siya . Akala ko nga hindi niya na ako sasagutin. Pero nakarecover rin naman ako.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now