Chapter 4

333 18 0
                                    

C H A P T E R  4

STEFFERSON


Pagkarating namin ni Emman sa airport na siyang nasabing paglalapagan ng private plane ni Stella ay sumalubong agad sa'min ang nagkukumpulang mga tao. Malayo palang ay matatanaw mo na sila. Nasa magkabilang gilid sila ng red carpet at sa gilid naman ay may mga nagbabantay na bouncer.

"Grabe, ganito karami ang mga taga-hanga ni Stella? Eh parang hindi na malusutan ng katayom sa sobrang dami! Makikisiksik paba tayo riyan para lang makita si Stella?" tanong ko kay Emman nung makarating kami sa mga taong nagkukumpulan na may hawak na tarpolin at picture ni Stella.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga tarpolin na hawak nila.

Grabe ang ganda ni Stella! Para na siyang angel sa sobrang ganda! At sobrang hot niya! Ito ba talaga ang Stella'ng nakilala ko? Ang pinaglokohan ni Emman?

Sabi ko sa isip ko nung makakita ako ng hot picture ni Stella.

Naka swimsuit siya doon ng kulay blue at talagang na expose ang ganda niya dahil doon.

"Ako, oo. Ewan ko sayo," usal ni Emman. Napatingin naman ako sa kanya. Nakangiti siya ng sobrang lapad at tinitignan ang mga taong nagkukumpulan.

Tsk! Patay na patay ang mokong!

"Tara na," tawag pansin sa'kin ni Emman 'tsaka siya nagpaunang maglakad patungo sa nakukumpulang mga tao.

Nagkibit-balikat nalang ako at napilitang sumunod kay Emman.

Sinubukan naming makisiksik sa mga taong nagkukumpulan. Nung una ay naging mahirap pero dahil malakas ang charisma naming dalawa at gumilid ang iba at matagumpay kaming napunta sa unahan, na siyang nasa harapan na namin ngayon ang red carpet.

"Shit ang gwapo naman ng nasa harapan natin! At ang bango pa!" rinig kong malanding tili ng isang bakla sa likod namin.

"Oo nga, ang yummy!!!" malanding tili din ng isa.

Sorry, I'm available for girls only.

"Yieee!!! Ikaw na, daliii!!!" tili ng isang babae na malapit sa'min.

"WHAT THE?! Bakit ba kayo tulak ng tulak!" iritang sigaw ni Emman sa kanila.

Napatingin naman ako sa kanya. Bilis uminit ang ulo ah...

"Ayy... Sorry po Kuya..." Nag piece sign 'yung babae kay Emman at pinag kukurot ang katabi.

Gumawa ng isang nawawalang presensiyang buntong-hininga si Emman 'tsaka sinabing... "God sake."

"Easy Emman... Babae 'yan." Ngumisi ako sa kanya.

"Tss... Talk to them, then." Suplado siyang nag-smirk.

Tinignan ko 'yung babaeng nag sorry kay Emman 'tsaka ko siya nakangiting kinawayan. Nung makita iyon ng katabi niya ay sinundot-sundot niya 'yung tagiliran nung babae. Nahihiyang kumaway naman 'yung babae sa'kin sabay sabunot sa katabi niya.

"That's called; Steff's charisma." 'Tsaka ko nginisian si Emman at sinundot-sundot ko ang aking ilong gamit ang aking hinlalaki

"Whatever." Walang pakeelam na aniya. Tumawa naman ako.

May mga ilang oras pa kaming nakatayo sa airport at maya-maya pa ay may natanaw na akong kulay asul na eroplano. Hindi kalakihan ang laki nito at sa tingin ko ay isa itong private plane. At tingin ko rin ay ito na ang eroplano ni Stella.

Nung matagumpay na lumapag ang eroplano na iyon ay nagsigawan ang mga tao sa paligid. Natatawa ko namang binalingan si Emman dahil nakikisigaw narin siya tulad ng mga taong kasama namin.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon