Chapter 13

253 10 0
                                    

C H A P T E R 1 3

CASSANDRA

"We're here," ani Miss Q, at binuksan ang pintuan ng van na sinasakyan namin.

"Come on, girls kunin niyo ang mga maleta niyo at magsipasukan na kayo sa kanya-kanyang room." Paalala niya pa at saka kami iniwan.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Miss Q at bigla nalang kaming pinagtipon-tipon at pinagbakasyon lahat ng mga alaga niya. Pati ang ibang models na alaga ng mga kaibigan niya. Hindi naman kami nanalo sa contest para mag celebrate. Hay... Ewan ko talaga.

Mahigit isang buwan narin ang nakalipas mula nung pumunta kami sa bayan nila Stella. Nagtagal naman kami doon ng isang linggo tapos ay bumalik na uli kami sa Manila. Nakakatuwa yung pamangkin ni Stella dahil simula nung maging close sila ni Emman ayaw niya ng malayo sa kanya. Magkatabi pa nga silang natutulog sa kwarto ni Mia. Wala namang magawa yung magulang nung bata dahil umiiyak kung hindi si Emman ang magpapatulog sa kanya. At nung umalis na kami doon ayun, halos magsisigaw sa kakaiyak dahil hindi na daw niya makikita si Tito Emman niya.

"Ok, one more time in One... Two... Three..." Sabay flash ng camera.

Kaya pala kami nandito dahil may pictorial pala si Stella rito sa Beach para i-cover ang isang magazine sa US. At pinapunta na niya kaming lahat dito dahil sayang naman at saktong wala kaming lakad lahat kaya pinagbakasyon na niya kami since nandito narin naman kami.

Naka bikini si Stella habang nag po-post sa isang wall. May suot pa siyang sunglasses at parang tumatanaw sa malayo. "In One... Two... Three..." bilang ng photographer.

Andito ako ngayon kasama ang photographer, make-up artist, stylist ni Stella at ang iba pang taong sangkot sa organisasyon. Sumama lang ako rito dahil boring sa kwarto. Ang ibang models ay nagsisilanguyan na sa tabing dagat habang kami, ako, ay andito at hinihintay matapos ang pictorial ni Stella. Ayokong maligo kasama ang ibang models dahil wala akong ka-close maski ngi isa sa kanila at tanging si Stella at ako lang talaga ang laging magkasama. Madami kaming hawak ni Miss Q na models, sa tantya ko ay mga nasa higit singkwena kami pero tanging si Stella lang ang naging trademark sa mga alaga niya. Magaling kasi at napaka ganda. Ano naman ang laban ng isang koryana'ng tulad ko? Ni minsan nga hindi pa ako rupampa sa mga sikat na event. Hindi tulad ni Stella, halos kada buwan ay meron siyang ramp.

"Okay, that's nice. Sa tingin ko'y naka kuha na tayo ng sapat na litrato para maipadala sa america at ma-cover na iyon sa magazine. We're finish already." Announce ng photographer.

'Di kalayuan ay naka rinig ako ng tilian ng mga babae kaya napatingin ako roon. Doon ko nakita si Emman na swabeng-swabe'ng naglalakad patungo sa'min. Halos manlaki ang mga mata ko habang tinititigan siya.

He's definitely hot! Naka sando siya at naka suot ng Orlebar Brown Shorts. Napunta ang mata ko sa kanyang mapuputi at mabalahibong hita. At mula doon tanaw ko ang isang bagay na sana hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin. Bahagya pa akong napalunok dahil doon.

Tumikhin siya pagkalapit sa'kin. "Si Stella?" tanong niya.

"A-ah... nandiyan..." wala sa sarili kong sabi at hindi parin binitawan ang tingin sa kanya. Darn!

"Huh? Saan?" Napalingon ako sa kinatatayuan ni Stella kanina pagkatapos ang pictorial. Nangunot ang noo ko nang napagtantong wala na siya roon. Nasan na 'yon?

Inilibot ko ang tingin sa buong lugar. Ang mga babae ay nasa bandang likod ni Emman at nagkukumpulan. Ang iba ay busy sa paglalangoy. May nakita akong babae na humiga sa isang sun lounger di kalayuan samin. Tinagilid ko ang aking ulo at tinitigan ang kanyang pangangatawan.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now