Chapter 10

253 13 0
                                    

C H A P T E R 10

STELLA

"TITA STELLA!!!" Tumakbo si Mia papunta sa'kin nang matanawan niya ako sa gate. Kasabay nun ay nagsilabasan na sila mama, papa, ate at kuya.

Parang nawala ang lahat ng inis ko kanina dahil kay Mia. Ito ang unang beses na makikita ko ang pamangkin ko sa personal dahil dati kasi ay sa video call ko lang siya nakikita.

Yumakap siya sa paanan ko pagkalapit sa'kin kaya ang ginawa ko ay yumuko para magpantay ang height namin. Sinuklay ang kanyang buhok mula noo, hanggang likod gamit ang kanang kamay. "Ganda naman ng pamangkin ko." Sabi ko at tinitigan ang maganda niyang mukha.

Noong umalis ako sa Pilipinas ay wala pa siya dahil ipinagbubuntis palang siya ng nanay niya. Medyo nakakalungkot na wala ako nung mga panahong lumalaki siya.

"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka pala ngayon." Ani kuya tyaka kinuha si Mia sa'kin kaya tumayo na ako.

"Surprise!"

"Sobrang na miss kita bebe girl," sabi niya at lumapit sa akin para yumakap.

"Kuya naman, hanggang ngayon bebe girl pa rin?" reklamo ko pagkatapos niyang humiwalay sa akin.

"Oo kahit ikasal kana at magka-anak ng sampo-ARAY!" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil sinapak ko siya.

"Anong sampo?!"

Tumawa siya. "Joke lang ito naman..."

"Ma oh. Si kuya," sumbong ko na parang bata.

"Eww... Tita Stella you're so childish po," si Mia

Tumawa ako kay Mia at kinurot ang malambot niyang pisngi.

"Kita mo na? Kaya forever kitang bebe girl kasi forever kang isip ba-ARAY!"

"Isa pa, Isa pa..." Sinamaan ko siya ng tingin.

Loko 'tong dalawang mag-amang 'to pinagtutulungan ako. Humanda kayo kapag ako nagka-anak.

"Hay nako kayong dalawa talaga-"

Hindi na naituloy ni mama ang sasabihin niya dahil nangibabaw na ang boses ni lokaret Kaya napatingin kaming lahat sa gawi niya.

"Hay nako! Kapagod! Yung make-up ko wala na! Kaloka! Ay... hi po..." Napatigil siya nang makita sila mama at kumaway sa kanila. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ako po si Cassandra," pakilala niya lumapit kina mama para kamayan. Tinanggap naman ni mama iyon at nagpakilala rin kila papa, ate, at kuya.

"Parang pamilyar ka hija," ani mama.

"Oo nga parang nakita na kita hindi ko lang alam kung saan," singit naman ni ate Lexie. Asawa ni Kuya.

"Model din po kasi ako kaso hindi masyadong sikat. Mas mabenta po kasi ang mukha ni Stella, kaysa sa'kin. Ayaw po nila sa mga singkit na tulad ko..."

"Hindi naman. Maganda ka naman hija, may lahi kabang chinese?" tanong ni Mama.

"Opo. Sa father side ko ko po ay Chinese tapos ang nanay ko naman po ay half Korean, half Filipino," mahabang paliwanag ni Cassandra.

"Ang dami palang lahi ng batang ito oo," bulong ni mama. "Mabuti at marunong kang mag-tagalog?"

"Tumira po kasi kami rito sa pilipinas noon ng sampong taon. Pagkatapos po no'n ay pumunta na kaming Korea, at nanirahan doon." Tumango si mama sa maikling kwento ni Cassandra.

"Magandang umaga po," saktong bungad naman ni Steff sa gate.

Bigla akong nawalan ng mood nang makita ko si Emman na hila-hila parin ang mga maleta ko.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now