Chapter 7

280 16 0
                                    

C H A P T E R  7

STELLA

"Sigurado kabang diyan ka sasakay?" tanong niya sa'kin.

"Oo." Iwas ang tingin kong sambit sa kanya.

"Pwede naman dito sa front seat," aniya pa.

"Pwede ba!?" Iritang sigaw ko. Bumaling ako sa kanya ng puno ng inis. "Mas gugustuhin ko pang sumakay sa compartment kung pwede lang basta hindi lang kita makita!" Umirap ako at itinuon ulit ang tingin sa labas.

Hindi naman na ako nakatanggap pa ng sagot mula sa kanya. Ang tanging narinig ko nalang ay ang malalim niyang buntong-hininga.

Matapos nun ay nagsimula nang umandar ang kotse niya. Nung una ay tahimik naming nilalandas ang daan patungong RPLM Corp. pero kalaunan ay binasag iyon ni Emman.

"Galit ka pa ba sa akin?" tanong niya. Hindi ako sumagot.

"Mapapatawad mo paba ako?" hindi parin ako sumagot.

"Bibigyan mo paba ako ng pangalawang pagkakataon?" sinasabi nito? Hindi parin ako sumagot.

Bigla niyang inihinto ang sasakyan at dahil doon nauntog ako sa upuan na nasa harap kung nasaan siya naka upo.

"ANO BA?!" Inis na baling ko sa kanya. Tinignan niya naman ako mula sa rearview mirror.

"Sagutin mo ako," seryosong aniya at tinitigan ako mula sa rearview mirror.

Kinabahan naman ako sa titig niya sa'kin. Kahit mata lang ang nakikita ko, nararamdaman ko naman mula doon ang senseridad niya at pagkaseryoso.

"Ano ba 'yon?" mahinahong sambit ko pero nakakunot ang noo.

"Galit ka parin ba sa akin?" tanong niya ulit.

Gusto kong sabihin sa kanyang... 'Sobrang galit na galit ako sa'yo at hindi ko alam kung paano ito mawawala' pero hindi ko masabi.

"Ano ba naman-"

"Sagutin mo nalang ako please?" pakiusap niya. Biglang kumirot ang puso ko dahil sa malambot niyang tinig. Paulit-ulit kong minurahan ang sarili ko dahil sa naramdamang paghapo sa puso ko.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. "Hindi muna kailangang tanongin 'yan Emman, alam kong alam mona ang sagot diyan sa tanong mo."

Napakabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya at nag iwas ng tingin matapos kong sambitin iyon. Pero bago pa siya naka-iwas ng tingin ay nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha.

Tama ba itong nakikita ko? Totoo ba 'to?

Hindi Stella, wala lang 'yan, praning ka lang... Pero bakit tinamaan ako ng sobra? Bakit ganoon?

Ito na naman 'tong utak ko, ginugulo na naman ako. Bakit ba kasi binibigyan ko ng meaning 'yong bawat galaw niya?

"Kung alam mo lang sana Stella..." rinig kong bulong niya pero hindi kona narinig pa ang kasunod dahil pinaandar na niya ang engine ng sasakyan.

Kung alam ko lang? Anong ibig niyang sabihin doon?

Pala-isipan parin para sa'kin ngayon ang huling sinabi niya kaya hindi ako tinantanan ng utak ko kakaisip hanggang sa hindi ko namalayan na huminto na pala ang sasakyan namin. May mga narinig din akong mura galing kay Emman.

"FUCK! FUCK! FUCK!" Mura niya saka pinaghahampas ang manobela.

"Bakit ka huminto?" tanong ko sa kanya. Naghintay ako ng sagot niya pero tanging buntong-hininga lang ang narinig ko mula sa kanya. "Nakarating naba tayo?" Tanong ko ulit at luminga sa paligid.

Consequences: Emman's Depth (BOOK 2) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHWhere stories live. Discover now