Chapter 2

12.1K 395 58
                                    

Serial Killer Face

[Margaux's Point Of View]

Nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Nakatitig ako mismo sa leeg at parteng dibdib ko na may panibago na namang kiss marks.

Bakit ganon? Hindi pa naman ako lumalabas ng bahay ah? Halos tatlong araw na nga akong nakakulong sa kwarto ko eh. Ayuko kasing makita ang mukhang unggoy kong Ate na si Margoe.

"Ma'am Margaux, bumaba na daw po kayo sa sala. May mahalaga daw po kayong pag-uusapan ng family nyo" sandali kong nilingon ang isa sa mga kasambahay namin.

"Sige" maikling sagot ko bago umalis sa harap ng salamin.

Siguro naman ayos na iyong foundation na inilagay ko sa leeg ko para hindi nila mahalata ang kiss marks. G*go kasing admirer iyon, masyadong obsessed sakin.

Lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso sa sala kung saan gaganapin ang pagpupulong namin ng pamilya ko. Tungkol saan na naman kaya ito?

"Finally, you're here Margaux!" umirap pa si Margoe pero tinaasan ko lang ito ng kilay at umupo ako sa single couch.

"So anong pag-uusapan natin Daddy?" tanong ko agad.

"I will straight to the point. You're going to marry Chester Lopez for the security of our business"

Natulala ako sandali dahil sa narinig ko. Is that a joke, pero bakit parang seryoso si Daddy pati narin si Mommy? So it is not a joke?

"Daddy?! But I'm dating him!" naiiyak na sigaw ni Margoe kay Daddy.

Napangisi ako kahit na gulat parin ako. Tinignan ako nito ng masama kaya inilabas ko ang dila ko at nagdirty finger pa sa kanya.

"We don't care Margoe, mahalaga ang negosyo natin. Madaming underground transaction kami ng Mommy mo at alam iyon ng ama ni Chester. Masisira ang pangalan ko sa publiko kapag ipinaalam niyon sa lahat ng tao. Maaaring maalis ako sa pagiging Mayor. Isa lang ang hinihingi nitong kapalit, at iyon ay ang pakasalan ni Margaux ang anak nito"

"But Daddy, I'm too young!" sabad ko.

"Your age is enough to get married"

"Ayukong mag-asawa ng isang manloloko" dagdag ko pa.

"It is not a problem Margaux. Uso naman ngayon ang may kabit eh"

Napa-irap ako dahil sa sinabing iyon ni Daddy. Puro nalang ang pangalan nya ang iniisip nya, paano naman kaming mga anak nya?

"Daddy, bakit hindi nalang ako ang ipakasal nyo kay Chester? Indeed, we both like each other?" umimik na naman si Margoe.

"I already suggest that idea to Mr. Lopez but sadly, mas gusto nyang ipakasal ang anak kay Margaux"

"Daddy, hindi sa kinakampihan ko ang impaktang si Margoe pero ayuko talagang magpakasal kay Chester. Sisirain nya iyong buhay ko Daddy!" angal ko na nagpangisi rito.

Nagtaka ako sa pagngisi nito kaya kumunot iyong noo ko. May dapat ba itong ikangisi? May nasabi ba akong nakakatawa? As far as I remember ay wala naman.

"Matagal ng sira ang buhay mo Margaux"

"Because you broke it" sagot ko.

"Bastos ka talagang bata ka!" tumayo ito mula sa kina-uupuan at inundayan ako ng suntok.

"Go on Daddy, ganyan ka naman eh! Ayaw mong tanggapin ang pagkakamali mo, then samin mo isisisi ang kasalanan mo. Are you really our father?! Puro sarili nalang ang iniisip mo, kayo ni Mommy. Bagay na bagay talaga kayo" naluluha kong sabi rito at mabilis na tumalikod bago bumalik ng kwarto ko.

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now