Chapter 12

8.4K 324 8
                                    

Act 1

[Margaux's Point Of View]

Tahimik kong pinagmamasdan ang maamong mukha ni Blue habang mahimbing itong natutulog at balot na balot ng kumot.

Wala itong saplot kahit na isa dahil inangkin na naman ako nito kagabi. Inisa-isa namin ang bawat sulok ng kwarto.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit mabilis kong ipinaubaya ang aking sarili sa kanya. Marahil sa kaonting panahon ay naging malapit kami sa isa't-isa.

Hindi naman kasi ito mahirap pakisamahan, in fact Blue is an exciting to be with at hindi ko iyon maitatanggi. I am just stating the facts.

Minsan nga ay napapaniwala ako nito pero iniisip ko nalang na isa syang pyscho. May nabasa akong article about psycho, masarap silang kasama at kaya nilang ma-hook ang interes mo.

Bumuntong hininga ako bago tumayo na mula sa pagkaka-upo sa gilid ng kama. Tahimik akong lumabas ng silid at dumiretso sa labas ng mansion.

Pagkalabas ko ng napakalaking gate ay napangiti ako ng malawak bago huminga ng maluwag. Idinipa ko pa ang aking magkabilaang kamay bago dinama ang malamig na hangin.

Alas sais palang ng umaga kaya malamig pa ang simoy ng hangin. Pakiramdam ko ay nakalaya ako sa isang kulungan. Ang sarap sa pakiramdam.

Ngayon nalang kasi ulit ako nakalabas ng mansion, masyadong mahigpit si Blue dahil narin siguro ayaw nito na maulit iyong pagtakas ko.

"Ma'am Margaux?" natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

Ibinaba ko ang dalawa kong kamay bago hinarap si Manang Posa na nakatayo sa may bukana ng gate. Nakangiti ito sakin kaya nginitian ko rin ito.

"Manang Posa, kayo po pala" hindi ito sumagot at sa halip ay naglakad ito palapit sakin.

"Anong ginagawa mo rito Ma'am Margaux?"

"Wala po, nagpapahangin lang po sandali at nagrerelax. Ang sariwa po kasi ng hangin dito sa labas eh"

"Tama ka Ma'am" may pagtango pa na pagsang-ayon nito.

"Eh kayo po? What are you doing here, Manang?"

"Gusto ko lang rin na magpahangin" sagot nito na hindi ko na sinagot.

Halos ilang minuto ang itinagal ng aming katahimikan nang mapagpasyahan ko na magsalita na, may gusto rin akong ipakiusap rito eh.

"Manang Posa?"

"Ano iyon Ma'am?"

"May hihilingin po sana ako sa inyo eh"

"Hihilingin? Ano iyon Ma'am? Baka makatulong ako"

Ngumiti ako, talagang makakatulong si Manang para sa mga plano ko na kanina ko pang napag-isipan. She can help me to Blue.






Lumipas ang tatlong araw at dumating narin sa wakas ang hinihingi ko kay Manang Posa. Ang cute naman nito!

Isang husky dog, kulay abo na may halong itim ang kulay ng balahibo nito. Kulay asul ang mga mata nito, napakagandang pagmasdan.

"Ma'am Margaux, sa tingin ko po ay hindi mabuting ideya na bigyan nyo ng ganito si Sir. Blue" seryosong sabi ni Manang kaya natigilan ako sa paglalaro doon sa tuta.

"Diba nasabi ko na po sa inyo na ayaw ni Sir sa mga hayop?"

"I know Manang at hindi ko po iyon nakakalimutan"

"Kung ganun po, bakit nyo pa po ireregalo iyan kay Sir?" hindi ko muna ito sinagot dahil medyo malikot na iyong tuta na buhat ko.

"Ma'am Margaux, baka po mapatay lang iyan ni Sir Blue. Kawawa naman po ang tuta na iyan, isa pa po baka mas maging wild at aggressive si Sir" damang-dama ko iyong takot at pangamba ni Manang kaya nginitian ko iti.

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now