Chapter 4

10.4K 284 28
                                    

Live with him

[Margaux's Point Of View]

Maaga palang ay gising na ako para mas matagal kaming makakapamasyal ni Marga sa Mall. Niyaya ko ito kagabi at pumayag naman agad ito.

Pinagbigyan kasi ako ni Blue na mag-stay pa rito ng isang araw, at susulitin ko na iyon para makasama ang kapatid kong si Marga. Hindi ko kasi alam kung makakabalik pa ako rito kapag sumama ako sa serial killer.

Kasalukuyang lipad ang isip ko habang nakatitig ako sa tubig na lumalabas sa shower. Kung ano-anong idea ang pumapasok sa isip ko.

Bakit sa dinami-dami ng babae sa mundong ito, ay ako pa ang naging target ni Blue na isang serial killer na matagal ng pinaghahanap ng mga pulis?

Ano bang pumasok sa isip nito at gusto nya akong makasama? Is he going to make me his maid, sex slave or battered wife?

Ano bang plano nya kapag sumama ako sa kanya? Paano kung gawin nya lang pala akong punching bag? Paano kung gusto nyang pumatay, ako ba ang sasaktan nya?

Of all people, why me?

Pagod na napa-upo ako sa swing dito sa favorite park namin ni Marga. Kagagaling lang namin nito sa Mall at ngayon naman ay dito kami magpapahinga.

"Ate Margaux, ano palang dahilan mo kung bakit niyaya mo ako ngayong lumabas ng bahay? Diba dapat kasama mo ngayon si Ate Aira?" tanong ni Marga na naka-upo sa kabilang swing.

"Pupunta sya rito maya-maya. Gusto ko lang makasama ang napakaganda kong kapatid kaya niyaya kitang mamasyal. Bakit, ayaw mo ba?"

"Syempre gusto Ate, naninibago lang ako"

Ngumiti nalang ako sa kanya at masayang nakipagkwentuhan habang kumakain ng dirty ice cream. Gawain talaga namin ito noon pa man.

Ilang sandali pa ay dumating narin si Aira. Kailangan ko itong makausap tungkol sa pag-alis ko. Sya lang iyong gusto kong pagsabihan, ayukong malaman ito ni Marga dahil paniguradong mag-aalala ito ng sobra.

"Hi, Ate Aira!" nakangiting bati ni Marga kay Aira na nginitian naman nito.

"Marga, bumili ka naman ng tubig doon sa may Sari-sari Store oh. Nauuhaw kasi ako" utos ko rito at inabutan ko ito ng pera.

"Ate, malayo kaya iyong Sari-sari Store" angal nito.

"Dali na, pakiramdam ko kasi ay nahihilo ako sa uhaw at sa matinding init ng panahon eh" sabi ko pa na nagpabuntong hininga rito.

"Sige na nga Ate Margaux, sandali lang ako" mabilis itong tumakbo palayo kaya agad akong tumayo sa kina-uupuan ko at seryesong humarap kay Aira.

"Ano iyong mahalaga mong sasabihin Margaux?" tanong nito.

"It's about the killer" seryoso kong sagot na nagpamulaga sa dalawang mata nito.

"What about it?"

"The serial killer, is my admirer"

Narinig ko pa ang pagsinghap nito dahil sa sinabi ko. I already expected what will her expression. Magugulat sya na parang nakakita ng daga which is ang pinaka-ayaw nya.

"You mean the guy who always giving you a kiss mark?!" bulalas nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Nagpalinga-linga ako sa paligid, baka may ibang nakarinig. Naalala ko tuloy iyong sinabi ni Blue kagabi sakin bago ito umalis ng kwarto ko, bantay salakay daw ako sa kanya.

"Oo sya nga"

"So what about him Margaux?"

"Gusto nyang sumama ako sa kanya" sagot ko na ikinaputla nito.

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now