Special Chapter

8.3K 261 43
                                    

[Bluese's Point Of View]

"Hey son, Bluese"

Kunot noong iminulat ko ang aking mga mata nang makarinig ako ng pamilyar na boses ng babae na tinatawag ang pangalan ko.

"Anak" this time, pamilyar na boses naman ng lalaki ang narinig ko.

Bumangon ako mula sa kama at pagtayo ko ay biglang lumitaw sa harap ko si Mommy at Daddy, nagulat ako at nawalan ng balanse kaya napa-upo ako sa kama.

"Hi son" nakangiting bati ni Mommy.

"Mommy, Daddy! Bakit nyo ako minumulto?" tanong ko sa kanila.

I am totally afraid right now pero nilalakasan ko nalang iyong loob ko. They are my parents after all. Miss na miss ko narin sila.

"Anak, binibisita kalang namin" natatawang sagot ni Daddy.

"Are you a ghost?" tanong ko pa.

"Ano ba kami sa tingin mo Bluese?" nakangiting tanong ni Mommy.

Ok, nice talking Mommy.

"So b-bakit nyo po ako binisita?"

Hindi kaagad sumagot si Mommy at sa halip ay lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko. Si Daddy naman sa kabila. Takot ako pero natitiis ko na malapit sa kanila.

"Kasal mo na bukas diba?" Mommy asked, and I just nod as answer.

"We just want to give you this" sabi ni Mommy at inilahad naman ni Daddy ang kanyang kanang kamay.

May singsing na nakapatong sa palad ni Daddy. Wait a minute, ito iyong singsing ni Mommy ah? Nakwento sakin ni Mommy noon na ang singsing na ito ay ang singsing na ibinigay sa kanya ni Daddy noon sa tabing dagat.

"Why Mommy?"

"Well son, sa araw ng kasal mo ay mawawala ang singsing ng babaeng pakakasalan mo" Daddy said.

What? Paano naman nila nalaman iyon?

"Ito ang ibigay mong singsing sa babaeng mahal mo, anak. Gusto sana namin ng Daddy mo na ipasa ang singsing na ito sayo at sa mga ka-apo-apuhan namin" paliwanag ni Mommy.

"Wow Mom, thanks. Pero paano kung madami kaming anak?"

"Son, hindi ko pa ba nasabi sayo na simula sakin ay tanging isang bata lamang ang maaari nating maging anak?"

"Ganon po ba Mommy? But what if babae ang anak ko?"

"Then give this ring to your daughter's destined husband. Sige na anak, mamamasyal pa kami at magde-date ng Daddy mo sa langit" natawa ako sa sinabi ni Mommy.

Tumayo ako nang tumayo na sila ni Daddy. Magkahawak kamay sila ni Daddy na dumistansya sakin. Aalis na sila? Pero gusto ko pa silang maka-usap at makasama.

"Anyway son, kumusta daw sabi ng mga lolo at lola nyo. Maging ang Tita Margoe at Tito Lloyd mo, si Manang Posa at ang little sister ko na si Pink" sabi ni Daddy na nagpatawa sakin.

"We love you son" Mommy said. Nagliwanag ang buong katawan nila ni Daddy. Siguro maglalaho na silang dalawa.

"Wait Mom, Dad!" pagkasabi ko nun ay nawala kaagad ang liwanag na nababalot sa kanila.

"Naku naman anak, anong oras pa kami makakapag-date ng Mommy mo?" may pagkamot sa ulo na tanong ni Daddy.

"Eh Mommy, Daddy. Magkiss muna kayo sa harap ko"

Napataas ang isang kilay ni Mommy at napangisi naman si Daddy. So kahit patay na sila at nasa langit na ay pwede pa pala silang magtaray at ngumisi ng nakakaloko?

"Wife, did you hear that? Kiss daw----" hindi naituloy ni Daddy ang kanyang sasabihin nang sunggaban sya ng halik ni Mommy.

"Thank you so much son!" bulalas ni Daddy at nag-thumbs up pa nang humiwalay ng halik sa kanya si Mommy.

"Tama na nga iyan. Bye Bluese"

"Bye Mommy"

"Bye anak"

"Bye Daddy. I love you"

Ngumiti sila pareho at muling nagliwanag ang kanilang mga katawan. Kumurap ako sandali pero hindi ko na sila nakita pa. What was just happened?

That was cool.






Nagising ako na puno ng pagtataka ang aking isipan. Sa panaginip ko kasi ay nagpakita sakin si Mommy at si Daddy at nakapagkwentuhan ako sa kanila.

Ang tanda ko pa nga ay may inabot silang singsing at nagrequest pa akong magkiss sila sa harap ko. That was a funny yet  a joyful dream.

Akmang tatayo na ako nang may bagay na nahulog sa kama mula saking kamay. Nanlaki iyong mata ko nang makitang singsing iyon ni Mommy.

So it is not a dream? Nice.

"Ay palaka!" himutok ko nang magring bigla ang phone ko.

Kaagad kong inabot ang phone ko na nakapatong sa may table na katabi ng kama ko at sinagot ang tawag mula sa organizer ng kasal namin ni Eries.

"Sir, may problema po tayo"

"Ano iyon?"

"Iyong singsing po na ibibigay nyo sa inyong bride ay nawawala"

Hindi ako nakasagot pero sumilay ang matamis na ngiti saking labi. Tumayo na ako at nagtungo sa balustre at tumingin sa langit.

"Thank you Mom and Dad. Enjoy your date"






Author's here!

Siguro naman ay hindi na masama ang ending nito?

PLEASE READ THE AUTHOR'S NOTE AT THE NEXT PAGE. SALAMAT!!!

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now