Chapter 27

6.6K 243 38
                                    

Pain

[Margaux's Point Of View]

Lumipas ang isang buwan at tuloy parin ang pagsasama naming dalawa ni Blue. Though he killed my sister, hindi parin nabago ang nararamdaman ko para sa kanya.

But it doesn't mean na ayos lang sakin na namatay si Margoe. Masakit para sakin na mawala ito pero wala akong magagawa, siguro oras na talaga nya.

"Ma'am" natigil ako sa pagtingin-tingin ng mga litrato sa magazine nang tawagin ako ni Manang Posa.

Nakangiti ko itong nilingon at bahagya pang nanlaki ang aking mga mata nang makitang may buhat itong cute na baby. It'so adorable.

Inilapag ko kaagad sa table ang hawak kong magazine bago tumayo at dali-daling tumakbo palapit kay Manang. Kararating lang nito dahil sinundo nya kanina ang apo nya sa syudad.

"Ito na po ba ang bago nyong apo?" nakangiting tanong ko kay Manang.

"Opo Ma'am. Sya po si Mariposa" napangiti ako nang marinig ang pangalan nung baby.

"Pwede ko po ba syang buhatin?"

"Oo naman"

Tuwang-tuwa kong binuhat si baby Mariposa. Nung una ay umiyak ito pero kaagad ko rin namang napatahan. Noon kasi ay madalas kong alagaan ang kapatid na baby ni Aira.

"Oh Ma'am, mukhang komportable na sayo ang apo ko"

"Oo nga po Manang eh"

"Kung ganun, iiwanan ko na muna sayo ang apo ko. Aayusin ko lang po ang mga gamit namin sa kwarto"

"Sige Manang"

Nang iwanan kami ni Manang sa sala ay napagdesisyunan kong dalhin si baby Mariposa sa kwarto para sana ipakilala kay Blue, pero tulog parin pala ito kaya tinabihan nalang namin ni baby Mariposa.

Habang nakahiga ang bata sa may dibdib ko ay pinagmamasdan ko si Blue. Sakto namang may pumasok na ideya sa isip ko na nagpangiti sakin.

Paano kaya kung magpabuntis na ako kay Blue? Gusto ko narin kasing magkaroon ng anak, gusto ko ng bumuo ng pamilya with Blue. Pero paano ko iyon sasabihin sa kanya?

"Surprise!" tawang-tawa ako nang makita ang gulat na mukha ni Mariposa nang takluban ko sandali ang mukha ko para gulatin sya.

Akala ko ay ngingiti ito pagkatapos pero kabaligtaran ang nangyari. Pumalahaw ito ng iyak na umalingawngaw sa loob ng kwarto.

"Damnit! Ihahagis ko na iyang batang iyan kapag hindi pa iyan tumahimik!" bulyaw ni Blue kaya mas umiyak ito.

Kinabahan ako nang makitang nag-igting ang panga ni Blue kaya mabilis kong binuhat si Mariposa at lumabas kami ng kwarto.

Dumiretso ako sa kwarto ni Manang Posa para ibigay si Mariposa na patuloy parin umiiyak. Humingi lang ako ng paumanhin kay Manang bago bumalik sa kwarto namin ni Blue.

Masama ko itong tinitigan samantalang sya ay umiwas ng tingin. Humiga ako sa kama at tinalikuran sya. Naiinis ako sa kanya, bahala sya.

Simula kasi nang magising sya kanina at nang makilala nya si Mariposa ay sumama bigla ang aura nya. Palaging masama ang tingin nya kay Mariposa at madalas nyang paiyakin.

"Wife" napapitlag ako nang yumakap ito mula sa likuran ko.

"Wife talk to me" sabi nito pero hindi ko sya pinansin.

Hindi kasi nakakatuwa iyong pakikitungo nya kay Mariposa kanina. Maging bata ay sinusungitan nya, an innocent child. At apo pa iyon ni Manang, dapat mabait sya doon sa batang wala namang kamuang-moang.

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon