Chapter 13

8.4K 318 8
                                    

Act 2

[Margaux's Point Of View]

Nakangiti kong pinagmamasdan si Blue habang nilalaro nito si baby Araux. Mahahalatang tuwang-tuwa si Blue maging ang tuta.

Akala ko talaga nung una ay napipilitan lamang ito na tanggapin iyong niregalo ko sa kanyang hayop pero look at him now, he's enjoying playing with it.

"Wife" napa-angat ako ng tingin kay Blue.

"Bakit?"

"Let's eat together" nakangiting sabi nito bago inilapag si Araux sa maliit ma higaan nito sa may sahig.

"Sige" maikling sagot ko bago tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa couch.

Hindi kasi ako gaanong lumalapit kay Araux dahil nagseselos si Blue. Napapa-iling nalang nga ako eh, pati ba naman hayop ay pinagseselosan nito.

Magkahawak kamay dalawa ni Blue habang binabagtas ang hagdan pababa. Dumiretso agad kami ng kusina at nadatnan namin si Manang Posa na naghahain ng mga pagkain.

"Good morning po Sir Blue, Ma'am Margaux" nakangiting bati nito samin ni Blue na nginitian ko lang.

Umupo na ako sa upuan na madalas kong inuupuan, katapat ko naman ng upuan si Blue. Magsisimula na sana kaming kumain nang biglang dumating si Tita Carolina.

"Good morning po Tita Carolina"

"Sayo din Margaux" ngumiti ito bago tumabi sakin.

"Are you going to eat with us?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Blue.

Natigilan ako sa pagsubo ng kanin at ulam na nakalagay sa kutsara. Mababakas sa mukha nito ang matinding pagka-inis. What's wrong?

"Yes son" nakangiting sagot ni Tita Carolina rito.

Nabigla nalang kami nang pabagsak na binitawan ni Blue ang hawak na kutsara at tinidor. Nag-igting rin ang bagang nito, I thought ayos na sila ng ina nya?

"Son, is there any problem?"

"You really asking me huh?! Sabay kaming kakain ng asawa ko tapos bigla kang dadating?!" bulyaw nito na nakapagbigay ng kilabot saming dalawa ni Tita Carolina.

"Get out!" sigaw pa nito bago itinuro ang pinto.

Bumuga ako ng malakas na hangin bago lakas loob na tumayo para pagsabihan si Blue. Yes he has mental disorder but it doesn't mean na palagi nalang namin syang iintindihan kahit mali na sya.

"Blue, apologize to your Mom!"

"No Wife! Isa syang malaking istorbo para sating dalawa!" napahilamos ako ng mukha dahil sa mga binitawang salita nito.

"Son, aalis nalang ako kung ayaw mong narito ako" malungkot na sabi ni Tita Carolina bago tumalikod.

Mabilis ko itong pinigilan. Nakakaawa naman ang ina nito, sinusubukan ni Tita Carolina na bumawi kay Blue pero malayo parin ang loob nito sa kanya.

"Tita, samahan ko na po kayo sa kwarto nyo---" natigilan ako sa pagsasalita nang bigla nalang hinampas ng malakas ni Blue ang lamesa.

Napatakip ako ng mabilis saking bibig nang basta nalang nitong tabigin ang lahat ng pagkain na nakapatong sa lamesa, hindi lang iyon. Itinaob nya ang malaking lamesa kaya mabilis kong hinila paatras si Tita Carolina at si Manang Posa.

"Blue, stop it!" suway ko pero mukhang wala itong naririnig.

Pati mga gamit sa pagluluto ay hindi nito pinalampas, pinagbabato nito ang mga plato at baso. Natatakot ako na baka dumampot sya ng kutsilyo na maaari nyang magamit saming tatlo.

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon