Chapter 20

7.7K 285 35
                                    

I Am The Real Wife

[Margaux's Point Of View]

Biglaan ang pagkakaroon ng malakas na bagyo kaya hindi muna naka-uwi si Mommy Carolina at Manang Posa dito sa mansion.

Hindi rin natuloy ang pagbalik sa siyudad ng mga pinsan ni Blue kaya mas natagalan ang pagtitiis ko na makisama kay Fled lalo na kay Alia na dikit ng dikit sa asawa ko na parang linta.

Nagpalit ako ng pwesto ng pagkakahiga sa kama kaya kaharap ko na si Blue na mahimbing paring natutulog hanggang ngayon.

Pina-inom ko kasi ng pampatulog para hindi na ito mahirapan na makatulog tuwing gabi, pero ang gagang si Alia nakialam kaya naparami ang nainom ni Blue at hanggang ngayon ay hindi parin nagigising.

Akmang tatayo na ako nang gumalaw ito at yumakap sakin. Napangiti ako dahil sa ginawa nito. Tulog na nga pero sweet parin?

"Sandali lang ako Blue" bulong ko bago dahan-dahang tumayo para magpunta ng banyo.

I just washed my face and rinsed my mouth bago lumabas na ng kwarto. Pero kaagad akong nakaramdam ng matinding galit nang makitang nakahiga sa kama ko ang makating hitad na si Alia.

The h*ll, she's hugging my husband kaya mabilis akong naglakad palapit sa kanya at sinabunutan sya bago kinaladkad palabas ng kwarto namin ni Blue.

"Ouch, let me go bitch!"

"Thank you for reminding me Alia that I am a bitch. At hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag nilabas ko ang pagiging bitch ko!" mariin na sabi ko sa kanya at binitawan na ang nakakadiri nyang buhok.

"Really Margaux? Eh mukha ngang wala kang laban sakin eh. Sa ganda palang ng katawan panalo na ako"

"Here we go again, Alia. Don't tell me, katawan mo lang ang panlaban mo sakin?"

"Hindi lang iyon. Kaya kong maging mabuting asawa kay Blue na hindi mo kayang ibigay sa kanya. I can cook, I can clean and I can take care of him all day and all night" mayabang nyang pagkakasabi kaya napangisi ako bago humalukipkip.

"Alia, hindi na ako magtataka kung kaya mo iyong gawin. Maliit na bagay, isa pa mukha ka naman talagang katulong eh. But just to remind you, asawa ako at hindi tagapagluto. Asawa ako at hindi kasambahay, asawa ako at hindi babysitter"

"But it is your job!"

"It is not, Alia. I don't have a job but I have responsibility. My responsibility is to love him, comfort him and be his partner!"

"No, you are wrong!" nakaramdam ako ng inis nang tumaas ang boses nito kaya itinulak ko sya pa-upo sa sahig.

"Pinapangunahan mo ako Alia? Mas marunong kapa sakin? Anong alam mo sa pagiging asawa? Puro landi lang?" hindi ako sumagot kaya nilagpasan ko ito at naglakad papunta sa may pinto ng kwarto namin ni Blue.

Isasarado ko na sana ang pinto nang may nakalimutan akong sabihin sa bruhildang linta na si Alia kaya hinarap ko ito at tinarayan.

"Subukan mong pumasok ulit sa kwarto na ito, at humiga sa kama ko... You'll see the bitch side of me" muli ko itong inirapan bago sinaraduhan ng pinto.

Kulang pa nga iyong ginawa ko sa kanya eh. Gusto ko pa sanang ilublob iyong mukha nya sa inidoro pero may natitira pa naman akong awa para sa mukha nya kaya hwag nalang.

Nawala bigla ang galit na nararamdaman ko nang makita ko si Blue. Pinagmasdan ko ito at napangiti ako, may laway kasing tumutulo sa labi nito eh.

Umiling-iling ako bago kumilos na. Humanap ako ng bagong bedsheets na ipapalit sa bedsheets na hinigaan ng lintang si Alia. Ayukong higaan ang hinigaan ng babaeng iyon.

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now