Chapter 17

7.7K 313 12
                                    

Special Porridge

[Margaux's Point Of View]

Mabilis akong napapitlag at kunot noong iminulat ang aking mga mata nang biglang kumulog at kumidlat ng malakas. Muntik na nga akong mahulog sa kama dahil sa sobrang gulat.

Nagkusot-kusot ako ng aking kanang mata bago humikab at tumayo. Sandali kong nilingon ang wall clock, madaling araw palang pala.

Aayusin ko na sana ang higaan nang mapansing mahimbing na natutulog si Blue. This is new for me, ngayon ko lang ito naabotan na natutulog pa. Madalas kasi akong nagigising sa umaga na wala na ito sa tabi ko.

Napansin ko pa na balot na balot ng kumot ang buong katawan nito kaya in-off ko nalang ang aircon, baka magkasipon at ubo pa ito dahil sa sobrang lamig eh.

"Ay!" bulalas ko nang muling kumulog ng malakas.

Mabuti nalang nga at hindi pa nagigising si Blue, mukhang masarap na masarap ang tulog nito. But I am just wondering. Sinabi kasi sakin noon ni Mommy Carolina na nahihirapan daw sa pagtulog si Blue.

I made some research about it at mukhang may anxiety si Blue na nararanasan. Kaya naman every night ay hindi agad ako natutulog hangga't alam kong gising pa ito.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at niyakap ang sarili. Masyadong malamig ang panahon ngayon at tanging sando at short lang ang suot ko.

Naglakad ako ng tahimik papunta sa may bintana at hinawi ng bahagya ang kurtina na humaharang sa bintana. I took a glance outside the window nang bigla nalang kumidlat kaya napalayo ako sa may bintana.

I am not afraid of lightning or thunders, nabigla lang ako sa biglaang pagkidlat mula sa labas. Masyado kasi akong malapit sa bintana eh.

I just shrugged my shoulders at sandaling nilingon si Blue bago ko naisipang lumabas ng kwarto. Nawala na iyong antok ko, siguro manunuod nalang muna ako ng balita sa TV.

Maingat akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala, hindi talaga ako gumawa ng ano mang ingay para makagising ako ng taong natutulog pa hanggang ngayon.

Pagka-upo ko kaagad ng couch ay in-open ko na kaagad ang Television. Weather Forecast kaagad ang bumungad sakin. Unfortunately, may bagyo palang parating ayon sa forecaster.

Kaya pala masyadong malakas ang ulan unlike kagabi. Biglang pumasok sa isip ko if safe pa ba kami dito sa mansion? The h*ll, nag-iisa lang ang mansion na ito sa isla ng mga Montemayor sa gitna ng karagatan.

"Ihaj, gising kana pala?" napalingon ako sa biglang nagsalita.

It was Blue's mother, si Mommy Carolina. Humahakbang ito pababa ng hagdan at palapit sakin. Mukhang bagong gising lang din ito.

"Ah opo Mom" maikling sagot ko.

"Can I join you?" nakangiting tanong pa nito at umupo sa tabi ko. Tumango lamang ako.

"So, may bagyo pala?" tanong nito na sa TV nakatingin.

"Opo Mom"

"Paniguradong malamig na naman ang panahon"

"You're right Mom. Pero hindi po ba kayo nag-aalala na baka delikado tayo rito? We're in the middle of the ocean" this time ay lumingon na ito sakin.

"Don't worry ihaj, we are safe here. Trust me"

Tumango nalang ako at ngumiti kahit na kinakabahan ako para sa aming safety. Siguro naman ay hindi ito ang unang beses na may bagyong dumating nung nandito na sila nakatira?

"Anyway ihaj? Narito nalang rin naman tayo, bakit hindi tayo magkwentuhan about ourselves or about family?"

Napataas bigla ang dalawa kong kilay. Hindi ko naman kasi naisip na sasabihin iyon ni Mommy Carolina. But maybe she is just curious about me and my family.

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon