Chapter 10

8.9K 343 1
                                    

Signs

[Margaux's Point Of View]

Huminga ako nang malalim bago inalis sa lap ko ang hawak na laptop, ibinigay iyon sakin ni Blue nung nakaraan nung malaya pa ito.

Dalawang araw na itong nakakulong sa kwarto sa may basement at hindi ko pa nasusubukan na bisitahin ito o kahit silipin man lang.

Katatapos ko lang na mag-research tungkol sa isang Psychopath. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol sa ganoong kondisyon.

Using others, irresponsible, lack of realistic, conning others, being impulsive, shallow emotions, superficial glibness, lying pathologically, lack of remorse or guilt, delinquency when young, poor control over behavior, promiscuous sexual behavior and criminal acts. Isa ang mga ito sa mga signs na psycho ang isang tao.

Hindi parin ako makapaniwala, at kailangan kong makasigurado. Ako mismo ang a-alam kung totoo bang may mental illness si Blue.




I cheer myself up bago pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan si Blue ngayon. Pagkapasok ko ay bumungad kaagad sakin ang gulat na mukha ni Blue.

"Wife!" ngumiti ito at parang piniga ang puso ko.

Dahan-dahan akong naglakad palapit rito. Nanikip bigla iyong dibdib ko nang makitang namumula na amg bahagi ng palapulsuhan nito, mahahalatang nagpipilit ito na makawala mula sa pagkakatali sa kanya.

"Wife, I miss you!" nginitian ko ito pagkalapit ko sa kanya.

"Hindi kapa daw kumakain mula nung isang gabi?" tanong ko rito.

Naka-usap ko kasi kani-kanina lang si Manang Posa at sinabi ng mga ito na hindi pa pala kumakain si Blue mula nung isang gabi.

Kinausap ko rin kanina si Tita Carolina tungkol sa pagpapalaya ko kay Blue. Siguro naman ay may kaonti pa itong katinuan para palayain ko ito.

"I am, wala kasi akong gana kumain. Miss na miss na kasi kita, Wife"

"Ganon ba?" sabi ko nalang bago hinawakan ang tali na nakapulupot sa wrisr nito.

Ayuko munang paniwalaan ang mga sinasabi nito. Feel ko ang sinseridad nito sa mga sinasabi nya pero may nabasa ako sa internet na magaling magpanggap ang mga psychopath.

Ang katulad ni Blue ay magaling sa mabubulaklak na salita. Psychopaths just attracting woman at kapag na-attract na ang babae sa kanila ay hahanap naman sila ng ibang biktima.

I'm not sure that I am one of his victim. Masyado parin kasi akong nalilito tungkol sa mga psychopath. I don't really know if psycho can love or not, pero pakiramdam ko ay malapit na akong maniwala kay Blue.

"Wife, help me to get out of here" lumamlam ang mga mata nito na nagpalambot sa puso ko.

"Hwag kang mag-alala Blue, pakakawalan kita" mabilis kong inalis ang pagkakatali sa magkabilaang wrist nito at maging paa.

"Salamat Wife" mabilis ako nitong sinunggaban ng yakap.

"I love you Wife!" nagulat nalang ako nang bigla ako nitong siilin ng halik.

"S-sige na, lumabas na tayo rito para makakain kana at makaligo" sabi ko at umiwas ng tingin.

"Alright. I love you Wife" nakangiti pang sabi nito bago tumalikod at na-una na sa paglabas ng silid.

Kinuha ko kaagad ang maliit na notebook at ballpen na nakatago sa bulsa ng suot kong short. Listahan iyon ng mga signs about psycho.

Conning others and glibness, check.




Tahimik lamang akong naka-upo sa tapat ni Blue na nakangiti habang kumakain ng pananghalian. Ako mismo ang nagluto ng kinakain nito ngayon.

"Wife, are you sure you're not going to eat?" tanong nito at sumubo ulit ng kanin.

"Busog pa ako" tanging sagot ko rito.

"Alright, I lose my appetite" napa-awang ang labi ko nang basta nalang nito binitawan ang hawak na kutsara at tinidor.

He is acting so weird right now. O sadyang ganito talaga si Blue na hindi ko agad napapansin noon? Mas lumalakas tuloy ang kutob ko na msy katotohanan ang lahat ng sinabi ni Tita Carolina.

"Kakain na ako Blue" mabilis na sabi ko at dinampot ang kutsara na gamit nya.

Sumubo agad ako ng sunod-sunod na kanin at ulam, mabilis namang napalitan ng malawak na ngiti ang inis na reaksyon nito kanina.

"Good, Wife"

Napa-iling nalang ako. Shallow emotions, check. Hwag naman sana magtuloy-tuloy ang paglabas ng signs ng isang psycho sa katauhan ni Blue.





Lumipas pa ang tatlong araw at hindi ko na nakakitaan ng senyales ng pagiging isang psycho si Blue. Parang normal lamang ito na tao.

"Wife, good morning" humigpit iyong pagkakayakap ni Blue sa bewang ko.

Kagigising ko lang at ang sarili nitong amoy ang bumungad sakin sa pagising ko. Sa katunayan nga nyan ay unti-unti na akong nasasanay sa ganitong tagpo namin.

Pero sabi nga ni Tita Carolina, subukan ko daw na hindi mahulog ang loob ko kay Blue. Hindi ako sigurado kung inaakit lamang ako nito at iiwanan nalang basta kapag nagkaroon na ako ng interaction sa kanya.

"Wife" bigla nalang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang bumulong ito sa tenga ko kasabay ng paglandas ng mga daliri nito sa balikat ko.

The h*ll, I am just wearing a white sando kaya mas dama ko iyong paghaplos ng mga daliri nito sa naka-expose kong balikat.

"Wife, you smell so good" bulong ulit nito at hinalik-halikan ang leeg ko.

"Blue, hwag" mahinang sabi ko rito.

"Alright" sagot nito pero ang palad naman nito ang humaplos sa balikat ko.

Inamoy-amoy pa nito ang leeg ko kasabay ng ilang halinghing, napapikit ako ng mariin. Promiscuous sexual behavior, check.

Psychopath ba talaga si Blue? Kaya ba madali nalang rito ang pumatay, because it is one of the signs of a psychopath? Kaya ba naging isang serial killer si Blue?





Author's here!

Pakisuportahan naman nito oh. Para ganahan ako at madaling matapos ang story na ito. Salamat!

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon