Chapter 14

8.7K 432 18
                                    

Contract

[Margaux's Point Of View]

Damang-dama ko ang lamig ng simoy ng hangin habang nakahalukipkip ako at nakatanaw sa mga bituin na nasa kalangitan.

Katatapos lang namin kumain ni Blue with her Mom and of course with Manang Posa at napag-isip-isip ko na magpahangin muna dito sa balustre.

Kasalukuyang naliligo si Blue kaya tumambay muna ako dito sa labas. Hindi ko na nga mabilang kung ilang minuto na ba akong nakatayo rito.

Madami kasing pumapasok sa isip ko na mga katanungan. Like, kumusta na ang family ko. Kumusta na si Aira at maging si Chester.

Ngayon ko nalang ulit naalala si Chester. Magaling na kaya ang mga mata nito, nakakakita na kaya ulit ito o baka hindi na?

Gustong-gusto ko ng bumalik sa pamilya ko, pero hindi pa pwede hangga't hindi pa nagiging maayos ang kalagayan ni Blue.

Umaasa ako na magagawa kong mabago si Blue. Siguro naman it is not possible diba? Tsaka naisip ko rin naman na hindi ako makakaalis rito dahil ayaw ni Blue.

All I can do for now ay palambutin ang puso ni Blue, paniguradong papayagan ako nitong maka-uwi samin.

Napapitlag ako nang may biglang pumulupot na matitipunong braso saking bewang, naamoy ko kaagad ang natural na amoy ni Blue.

"Wife"

"Tapos kana palang maligo" nakangiting sabi ko at mabilis na humarap sa kanya.

Ganon nalang ang paglunok ko nang makitang nakatapis lamang ito ng tuwalya at medyo basa pa ang katawan.

Bakit ngayon ko lang napagtanto na may maganda pala itong pangangatawan? I am just wondering kung paano sya nagkaroon ng matigas at maumbok na chest at anim na abs.

I mean he is psycho. Pero kung sa bagay, psycho like him will do anything just to hook you. Paniguradong ginagamit nila ang kagandahan ng mga pangangatawan just to hook girls interest.

Aminado naman ako na naaakit ako sa mga nakikita ko ngayon. Six packs of abs, hard chest and mascular arms. Saan kapa diba, pero hindi ako dapat magpadala.

"Enjoying looking the view?" mabilis akong napa-angat ng tingin sa nakangising mukha ni Blue.

Patago akong napa-irap dahil nagsimula na naman ang pagiging inflated sense nito. May part talaga na nagiging mayabang sya.

But actually, hindi iyon mahahalata sa kanya dahil nagmumukha syang hot and cool tignan. Pero gaya ng sabi ko kanina ay bawal akong magpadala sa kanya.

"Magbihis kana nga Husband" sabi ko rito at akmang maglalakad na paalis pero hinawakan ako nito sa braso.

"Where are you going?"

"I'll take a bath" sagot ko at akmang maglalakad na ulit pero hinila ako nito palapit sa kanya at iniharap sa kalangitan.

Ganon nalang ang paglakas ng tibok ng puso ko nang yakapin ako nito sa bewang mula sa likuran. Isiniksik pa nito ang mukha saking leeg at inamoy-amoy iyon.

"Blue, I mean Husband sabi ko liligo na ako" mahinang sabi ko bago tumanaw sa mga bituin na nagniningning sa kalangitan.

"Mabango ka naman kahit hindi maligo" bulong nito sa tenga ko na nagbigay sakin ng kilabot, but I like it.

"Blue" napapikit ako nang dumapo ang mainit nyang mga palad sa magkabilaan kong dibdib.

"Can we stay like this Wife?" tanong nito.

Hindi agad ako nakasagot dahil lumalakas ang tibok ng puso ko. I know I already felt this feeling na ayaw ko munang maramdaman kay Blue.

"Wife?"

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon