Chapter 16

8.5K 284 13
                                    

Hot Lingerie

[Margaux's Point Of View]

Maaga akong nagising ngayong araw dahil sa kadahilanang hindi ko rin alam. Basta pagkagising ko ay ang gaan ng pakiramdam ko at ang saya-saya ko pa.

Nakangiti kong binuksan ang walking closet at kaagad na pumasok sa loob para maghanap ng aking masusuot ngayong araw.

Kahit sa simpleng pagpili lang ng susuotin ko ay nakangiti parin ako. I don't know why, pero I guess dahil sa nangyari kahapon.

I am now free, totally free! May karapatan narin akong magdesisyon para sa sarili ko at para narin kay Blue na asawa ko na ngayon.

Well, hindi ko na itatanggi na asawa ko ito. Ewan ko ba, biglang gumaan ang pakiramdam ko sa kanya lalo na't nawala na iyong sama ng loob ko sa kanya.

"I guess this one is better" mahinang bulalas ko at kinuha ang off shoulder na damit at simpleng short.

Pagkalabas ko kaagad ng walking closet ay dumiretso naman ako sa banyo. Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang kumanta.

Masasabi kong may maganda naman akong boses na tinataglay. At pakiramdam ko ay gusto kong kantahan ngayon si Blue, oh napakasaya ko talaga ngayon.

Medyo natagalan ako sa paglabas ng banyo dahil nag-enjoy ako sa pagkanta. Natigilan ako sa paglalakad nang bumungad sakin si Araux.

"Hey baby Araux!" lumuhod ako sa sahig para mapantayan ito.

Inilapat ko  pa ang aking kanang palad sa ulo nito at ginulo-gulo ang balahibo. Lumawak ang pagkakangiti ko nang lumabas ang dila ni Araux.

"Wife, I'm jealous!" mabilis akong natigilan saking ginagawa.

Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa bukana ng pinto ng kwarto at nakapout pa ang labi nito habang nakatingin saming dalawa ni Araux.

Mabilis kong binitawan ang puppy dahil paniguradong magseselos na naman itong si Blue. Kahit aso ay pinagseselosan nito eh.

"Hey Husband!"

Mabilis akong tumayo at nagtatakbo palapit sa kanya. Kaagad ko syang niyakap sa bewang nya at hinalikan sa pisnge na mukhang ikinagulat nito.

"Did you just kissed me?"

"Yes, I just did that" nakangising sagot ko bago hinalikan sya sa kabila pa nyang pisnge.

"Cool!" sabi nito na nagpahagikhik sakin.

"Kumain kana ba?" nakangiting tanong ko rito at kaagad na akong humiwalay ng yakap sa kanya.

"Hindi pa. Let's go to the dining area, ipinagluto kita ng umagahan" nakangiting sabi nito.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan nito ang kanan kong kamay. Bakit ganon, biglang nag-slow motion ang bawat kilos nya?

I mean, bakit parang nasa isang romantic movies ang bawat galaw nya? Slow motion at parang may music habang kumikislap ang paligid?

Damn it, what is happening to me?

"Wife?"

"Ah huh, ano iyon Husband?"

"I said where's your ring?"

Natigilan ako dahil sa itinanong nya, pagkaraan ay pinasadahan ko ng tingin ang aking ring finger. Nakalimutan kong isuot ang singsing.

"Oh I forgot!" mabilis kong hinalungkat ang drawer na katabi ng kama at hinanap ang maliit na box na may lamang singsing.

"Ito na!" bulalas ko at ipinakita kay Blue ang hawak na singsing.

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon