Chapter 32

6.7K 212 15
                                    

Argaux Bluese Montemayor

[Margau's Point Of View]

Malalim na ang gabi pero hindi parin ako makatulog kaya naisipan kong magpahangin muna sa labas at tanawin ang mga bituin.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang maramdaman ko ang matitipunong bisig ni Blue na yumakap saking bewang mula sa likuran.

"Wife? Ang lalim yata ng iniisip mo?"

"Hindi lang ako makapaghintay na makuha na natin si Bluese mula kay Daddy"

"Me too, hindi na ako makapaghintay" bumuntong hininga nalang ako bago tinugon ang mainit na yakap nito.

Hindi pa kasi namin pwedeng makasama si Bluese dahil itinatago pa namin ito sa maraming tao kaya iniwan muna namin ang aming anak sa puder ni Daddy.

Medyo mainit parin ang balita tungkol sa pagtakas ni Blue kaya nagpakalayo-layo muna kami at nagtatago. Siguro babalik kami kapag humupa na ang balita. Magpapalamig lang muna kami.

"Kailan daw ba natin maaaring makuha si baby Bluese?"

"Wala pang exact date. Pinaghihinalaan kasi ng mgw pulisya si Daddy na may kinalaman sya sa pagtakas mo kaya hindi sila basta kumilos"

"Pero halos mag-iisang buwan na tayong naghihintay Wife"

"Wala tayong magagawa sa ngayon Blue"

"Kasalanan ko ito eh. Kung sana ay nag-isip muna ako bago nagpahuli sa mga pulis, baka hindi na nating mahiwalay kay baby Bluese"

Bahagya itong yumuko kaya hinawakan ko ang kanyang magkabilaang pisnge bago iniharap sakin ang kanyang napakagwapong mukha.

"Don't blame yourself Blue. It just happened na nabigla ka sa mga nangyari at hindi nakapagdesisyon ng ayos. Hanga kaya ako sayo kasi talagang nagbago kana"

"I change because of you Wife. I love you so much"

"I love you even more Husband"

With that, we kissed.





Five months had passed at hindi naging madali para sakin na gumising araw-araw lalo na't hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakasama ang anak namin ni Blue.

Hindi parin kasi humuhupa ang balita patungkol kay Blue. Ito parin ang palaging nasa headline ng balita, kailan kaya matatapos ang problema na ito?

Simula nung itakas ko si Blue sa kulungan ay iyon ang huling gabi na nakasama ko ang anak ko. I miss him kahit saglit palang kaming nagkakasamang mag-ina.

"Wife?" napalingon ako kay Blue nang tawagin nya ako.

Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang aking isang kamay at mumunti iyong hinalikan. Napansin ko kaagad ang masayang mukhw nito.

"You look so happy, Husband?"

"Well, may surprise kasi ako mamaya para sayo"

"Surprise? Anong meron?"

"Don't you remember? Besperas na ng kaarawan mo mamayang gabi" natawa ako dahil sa naging sagot nito.

"You're so funny Husband, do you know that? Maging kaarawan ko ay may besperas pa?"

"Oo naman Wife. Ganyan ka special sakin, ganyan kita kamahal"

"Asus!" tanging tugon ko na lamang upang maitago ang kilig na nararamdaman.

Paniguradong lalaki na naman ang ulo ng mokong na ito kapag nalaman nyang kinikilig ako sa mga kakornihan nya, panigurado rin na aasarin nya lang ako ng paulit-ulit.

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now