Chapter 28

6.6K 264 25
                                    

He Almost Kill Me

[Margaux's Point Of View]

Nakakunot ang aking noo nang imulat ko ang aking mga mata nang maramdaman kong may humarang sa sinag ng buwan na tumatama saking mukha.

Kaagad akong napabalikwas ng bangon nang makitang nakatayo si Blue sa may paanan ko at may hawak itong bagay na kumikislap.

Mabilis kong kinapa-kapa ang lampshade sa katabing table at kaagad na binuhay ang ilaw. Doon ko lang napagtanto na kutsilyo ang hawak ni Blue.

"Blue, b-bakit may hawak kang kutsilyo? Anong g-gagawin mo?"

"Wife" humakbang ito palapit sakin kaya umatras ako.

"Blue, hwag kang lalapit!"

"Shhh, Wife don't be afraid. Aalisin lang natin ang pesteng bata na iyan sa sinapupunan mo"

Napa-iling-iling ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Alam ba ni Blue kung anong sinasabi nya? Iyong anak namin ang papatayin nya.

"Blue, hwag kang lalapit!" bulyaw ko sa kanya nang muli na naman syang humakbang palapit sakin.

"Wife, calm down. Aalisin lang nati---"

"Manang, Mommy Carolina!" hindi ako magka-intindihan sa pagtayo sa kama nang mas lumapit pa sakin si Blue.

Natatakot ako na baka masaktan nya talaga ako. Kinakabahan rin ako para sa dinadala ko, paanokung duguin ako bigla?

"Wife, bakit kaba lumalayo?"

"Blue, anak natin itong balak mong patayin"

"Hindi ko iyan anak!"

Hindi ako makapaniwala sa naging sagot ni Blue. Sya iyong ama ng dinadala ko pero kung makapagsabi sya na hindi nya ito anak ay parang wala lang sa kanya.

"Now, come here!" tumakbo ito palapit sakin kaya mabilis akong umiwas sa kanya.

Pero sa kasamaang palad ay natalisod ako sa carpet kaya nadapa ako sa sahig. Nanlalaki ang aking mga mata nang lingunin ko si Blue at makitang nasa harapan ko na ito.

"Blue, hwag!" napapikit ako ng mariin nang undayan ako nito ng saksak.

Pero wala pang limang minuto ay nagmulat ako ng mata nang maramdaman kong dumagan sakin si Blue. Wala na pala itong malay dahil tinurukan ni Manang sa batok.

"Ihaj, ayos kalang ba?" tanong ni Mommy Carolina at inalalayan akong tumayo.

Napayakap ako ng mahigpit rito at hindi ko na naiwasan pang humagulhol. Sobrang sakit para sakin itong ginagawa ni Blue. He almost killed me also our child. Iyong anak namin na hindi nya matanggap-tanggap.

"Hush now ihaj, makakasama sayo iyan"

"Mom, bakit ganon si Blue?"

"Pagpasensyahan mo nalang muna ang anak ko. Alam mo naman ang kalagayan nya"

Iyong kalagayan na naman ni Blue ang kailangan kong intindihin? Paano naman ang sarili ko at ang magiging anak ko? Paano kung pareho kaming mapatay ni Blue?

Hindi ko aakalain na magagawa akong saktan ng sarili kong asawa. I thought he love me, eh bakit binalak nyang saksakin ako sa tiyan?

"Ma'am ano pong gagawin natin kay Sir?" napalingon ako kay Manang.

"Pwede po bang, ikulong muna natin si Blue?" malungkot na paki-usap ko.

Masakit para sakin ang sinabi ko dahil mahal ko si Blue. Pero kapag hinayaan ko itong makagala dito sa mansion ay hindi sya titigil hangga't hindi mapapatay ang dinadala ko.

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon