Chapter 31

6.6K 230 25
                                    

Escaping

[Margaux's Point Of View]

"Ate, nailagay ko na iyong tsinelas, shaving cream, razor, biscuits, mga gamot, prutas, suklay, damit, toothpaste at toothbrush sa kahon" nilingon ko si Marga na abala sa pagsasarado ng kahon.

"Sandali lang Marga, baka may nakalimutan pa akong ilagay eh. Magpadala kaya ako ng shampoo at sabon?"

"Meron naman na doon Ate eh"

"Ay teka, iyong unan pala!"

Patakbo akong lumapit sa kama at kinuha ang bagong bili na unan at inilagay agad iyon sa kahon bago tinulungan si Marga na balutin iyon.

"Ate hindi ka talaga nakikinig sakin, sinabi na ngang hwag kang tatakbo alam mo namang buntis ka diba?"

"Sorry na"

"Sya sige na, tara na Ate. Iuutos ko nalang kay Yaya na buhatin itong kahon papunta sa kotse" tumango nalang ako at pumasok ng banyo para mag-ayos sandali.

Pagkatapos ng lahat ay dumiretso kaagad ako sa garage at umalis ng bahay kasama si Marga, patungo kami ngayon sa isang restaurant.

Matapos ang medyo mahabang minuto ay nakarating rin kami sa restaurant. Saktong naroon na ang kakapulungin namin ni Marga. Walang iba kundi si Pai.

"Pai!" nagyakap lang kami sandali ni Pai bago umupo rin kaagad kami sa upuan.

"So who is she?" tanong nya na ang tinutukoy ay si Marga.

"She's my sister. Anyway Pai, dala ko na iyong mga ipinaaabot ko sayo. Please iabot mo iyan kay Blue at pilitin mong makarating ito sa kanya"

"Oo naman Margaux. Pinsan ko iyon and I'll do anything for my cousin"

"Salamat naman. Teka, kumusta naman sina Mommy Carolina at Manang Posa?"

"They are good pero hindi parin sila gaanong masigla dahil nga sa kalagayan ni Blue"

"Ganon ba? Ikaw na ang bahalang magpagaan ng nararamdaman nila Pai"

"Sure"

"Nga pala, iyong pinabili ko sayong kama?"

"Ayos na, naipadala ko na mismo sa silid ni Blue. For sure na hanggang ngayon ay pala-isipan parin sa kanya kung kanino galing iyong kama" tumatawang sagot nito.

Mabuti naman at nakarating na iyong binili kong small size bed. Sa karton lang kasi humihiga si Blue kaya naisipan kong bumili ng kama para sa kanya.

"Alam mo, ang swerte ng pinsan ko sayo. After ng lahat ng kasalanan nya, matapos lahat ng malaman mo sa pagkatao nya ay nandyan ka parin sa tabi nya"

"Hindi naman kasi mahirap mahalin si Blue. Isa pa, hindi madaling kontrolin ang sarili lalo na't may mental disorder pero nagawa nyang magbago"

"It is because of you Margaux. Salamat"

"Naku wala iyon, ano kaba?"

"Sige na. Mauuna na ako Margaux para maipadala ko na kaagad kay Blue itong mga gamit na ito. Bye"

Nagbeso lang kami at nagpaalaman pa sandali bago na kami nagkanya-kanya ng alis. Habang nagmamaneho ako ay may naalala ako.

"Huy Marga, ano iyong nilagay mong papel kanina sa loob ng karton? Nahuli kita"

"Haha, Ate wala lang iyon"

"Ano nga iyon?"

"Don't mind it Ate, sinigurado ko lang na kikiligin iyong asawa mo"

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon