Chapter 24

6.9K 272 11
                                    

Celebrate

[Margaux's Point Of View]

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kalendaryo. I can't believe na umabot ng isang taon ang pagsasama namin ni Blue.

But seriously, hindi ko napansin na medyo matagal na pala kaming nagsasamang dalawa ni Blue. Well, the truth is I admire my relationship with him.

I mean, likas na sa isang pagiging psycho ang magkaroon ng iba't-ibang pagnanasa sa ibang mga babae, but Blue is different. Hindi ko pa ito nakakakitaan na nagkaroon sya ng interes sa iba simula nung magsama kami.

"Husband?" nilingon ko si Blue na busy sa pagtitipa sa screen ng cellphone nya.

"Yes?" sagot nito na hindi man lang ako nilingon pero binalewala ko nalang iyon.

"Ano ba iyang ginagawa mo, mukhang busy ka ah?"

"It's nothing"

Hindi parin sya tumitingin sakin kaya naman humiga na ako sa kama at yumakap pa sa kanya, pero ang lubos kong ipinagtaka ay kung bakit in-off nya agad ang phone nya at bahagyang lumayo sakin.

"Husband, what's wrong?"

"It's so hot" tanging sagot nya bago umiwas ng tingin.

I know there's wrong with him, pero sa ngayon ay hindi ko nalang muna iyon papansinin. Gusto ko munang maglambing sa kanya lalo na't malapit na ang first wedding anniversary naming dalawa.

Excited na nga ako sa mga maaaring mangyari eh. Magde-date kaya kami o mamamasyal sa siyudad? Hindi na ako makapaghintay.

Two weeks from now, wedding anniversary na namin. At nagsisimula na akong maghanda sa surprise ko sa kanya. Planado na narin naman ang lahat eh.

"Buksan ko ang airconHusband?"

"Y-yeah"

Nginitian ko lang ito bago ako muling tumayo para buksan ang aircon bago kaagad na bumalik sa paghiga sa tabi nya at muling yumakap sa kanya.

"Let's sleep, Husband"

"Sleep, in the midday?"

"What's wrong with it? Malay mo tumangkad pa tayo, diba nakakatangkad ang pagtulog sa tanghali?"

"Yeah whatever" may pag-irap na sabi nito bago yumakap rin sakin.

Mokong na ito, pero mahal ko.




Three days had past at nawawalan na ako ng pag-asa na baka sana maalala ni Blue na malapit na ang aming first wedding anniversary.

Hindi man lang kasi nito nababanggit ang tungkol sa bagay na iyon. I am just confused kung nakalimutan nya ba o hindi nya talaga alam.

"Husband, nandito kana pala!" bulalas ko at mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Yeah" maikling sagot nya at nilampasan lamang ako.

Umupo sya sa kama at balak tanggalin ang suot nyang sapatos pero ako na ang gumawa. Mukhang pagod na pagod ito ngayong araw.

Pero palagi naman syang pagod. Napapansin ko nga rin na araw-araw nalang syang umaalis at kung minsan ay gabi na kung umuwi.

Sa totoo nyan ay kinakabahan na ako sa ikinikilos ni Blue at may mga hindi magandang ideya ang pumapasok sa isip ko, pero ayukong maghinala sa kanya. He is my husband at gusto ko syang pagkatiwalaan ng buong-buo at walang pagdududa.

"Husband, saan kaba galing?"

"Sa siyudad, may inasikaso lang ako"

Napabuntong hininga ako nang marinig ang sagot nya. Paulit-ulit nalang nya iyong isinasagot sa tuwing tinatanong ko sya kung saan sya galing.

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now