Epilogue

9.1K 242 66
                                    

Epilogue

[Bluese's Point Of View]

Naluluha ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang magkatabing puntod ni Mommy at ni Daddy. May nakapatong na dalawang bulaklak at kandila sa kanilang mga lapida.

Naramdaman ko nalang ang pagyakap sakin ni Eries, ang babaeng pinakamamahal ko. Sya lang iyong tumanggap sakin sa kabila ng pag-uugali ko.

Eight months from now ay ikakasal na kami. Hindi na nga ako makapaghintay eh. And you know what, si Ninang Aira at Tita Marga ay isa sa mga ninang namin sa kasal. Si Tito Basilio at Tito Fled naman ang ninong.

Siguro nagtataka kayo kung kumusta na sina Tita Pai, Tito Lloyd at Tito Chester. Ok naman si Tita Pai at Kuya Chester pero wala narin sa mundong ito si Tito Lloyd. Masakit at mahirap tanggapin pero wala na eh.

"Bluese? Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit namatay ang magulang mo" nginitian ko nalang si Eries.

Naalala ko na naman ang nangyari noon.

[Flashback]

Masaya akong naglalakad papunta sa kwarto ni Mommy at ni Daddy, dala-dala ang paborito kong laruan na regalo nila sakin nung ika-labing siyam na kaarawan ko, which is last year. So I'm 20 years old now.

Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Mommy at Daddy ay napansin kong bahagyang nakaawang ang pinto ng kwarto nila kaya sumilip muna ako sa loob. I saw my Mom crying in front of my Dad.

My Mom is bald. Kaya pala madalas sumakit ang ulo nya noon dahil mayroon syang sakit na brain cancer. Malala na ngayon iyong sakit ni Mommy kaya nakalbo sya, pumayat at nanghihina. Pero kahit kailan ay hindi nagsawa si Daddy na alagaan sya at bantayan magdamag.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko dahil gusto kong marinig ang pinag-uusapan nilang dalawa. Gusto ko ring malaman kung bakit umiiyak si Mommy.

Kahit nasa ganitong kalagayan si Mommy ay never ko syang nakitang umiyak, ngayon lang kaya napuno ako ng kuryosidad kung bakit umiiyak ito.

"Blue, please gawin mo itong hinihiling ko" Mommy said.

"No Wife, ayuko. Hindi ko magagawang patayin ka"

Kumunot bigla ang aking noo. What did my Daddy say? Hindi na ako bata para hindi maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Mommy is requesting for her death.

"Please Blue. H-hindi ko na kayang l-lumaban. Pagod na p-pagod na ako Blue"

"Wife naman, hwag kang susuko. Para sakin at para sa anak natin"

"Blue I'm so sorry, h-hindi ko na t-talaga kaya. Blue maawa ka, hindi ko na k-kaya"

"Please hwag kang sumuko Wife. Dahil hindi kita susukuan"

"S-salamat Blue, dahil palagi kang n-nasa tabi ko. S-salamat sa pag-aalaga at p-pagmamahal mo sakin. R-ramdam na ramdam ko ang p-pagmamahal mo p-pero sana ay mapagbigyan mo ako Blue. H-hindi ko na kayang l-lumaban. P-pagod na talaga a-ako. M-maawa ka Blue" I saw my Mom touching my Daddy's cheek.

"Wife, paano ako? Paano ang anak natin?"

"A-alam ko mauunawaan nya ako. Kagabi, n-nakapagpaalam na a-ako sa kanya. Please Blue, g-gawin mo na"

Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Daddy na may hawak na punyal. May kakaiba ngunit magandang disenyo. Itinapat ni Mommy iyong talim ng kutsilyo sa dibdib nya.

"Wife" humagulhol si Daddy.

"Blue, t-tapusin mo na ang p-paghihirap ko"

"Mahal kita Wife"

"I love you too, Husband ko"

Tinulos ako saking kinatatayuan nang saksakin ni Daddy si Mommy. Akala ko ay hindi iyon magagawa ni Daddy, but he did. Sinaksak nya si Mommy. Napa-iling-iling ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko nang makitang ngumiti si Mommy. She is smiling.

"S-salamat Blue. Mahal na mahal kita. K-kayo ng anak n-nating si Bluese. I l-love you Blue Arcane M-montemayor, my husband"

"I love you even more Margaux Sahena Montemayor, my wife"

Hinalikan ni Daddy si Mommy ng marahan at puno ng pag-iingat sa labi. At nang humiwalay si Daddy ay nakapikit na si Mommy at walang buhay.

My Mommy is dead. Ramdam ko ang matinding kirot sa puso ko. Wala na akong ina. Pero hindi ko magawang magalit kay Daddy.

Natigil ako nang makitang tumayo si Daddy pagkatapos nitong humagulhol ng humagulhol. Naghalungkat sya ng papel at ballpen mula sa drawer at nagsulat.

Nang mailapag nya iyon sa kama ay binalikan nya ang kinaroroonan ni Mommy at umupo sa tabi nito. Isinandig nya ang ulo ni Mommy sa kanyang balikat bago kinuha ang punyal at kaagad na sinaksak ang sarili.

Mommy, Daddy.

"I love you, W-wife" bulong ni Daddy bago hinalikan ang buhok ni Mommy.

Matapos ang ilang minuto ay nawalan narin ito ng hininga. W-wala narin si Daddy. Sobrang sakit na makitang mamatay ang mga magulang ko pero bakit hindi ko magawang humagulhol?

Pumasok ako ng kwarto at kinuha ang papel na nakapatong sa kama. May mensahe pala si Daddy kaya binasa ko iyon.

"Dear Son, I love your Mom so much. You know that right? Kaya naman sinamahan ko ang Mommy mo sa kanyang patutunguhan. I hope you understand son. Ayukong mag-isa ang Mommy mo kaya sinamahan ko sya. Son, alam kong sobrang sakit para sayo na mawala kami ng Mommy mo, pero tatagan mo anak. Live without our presence. Wala man kami sa tabi mo, asahan mong nakabantay lang kami sayo. Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo. Love Mommy and Daddy" another tears fall down to my cheeks.

"Oh my gosh!" nilingon ko si Tita Marga na kapapasok ng silid, kasama nito si Tito Chester at Ninang Aira na parehong hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.

Humarap ako sa parents ko at naglakad palapit sa kanila. I hugged them both at hinalikan sa kanilang mga noo at pisnge. I will miss them.

"I love you too Mommy and Daddy"

[End Of Flashback]

Hanggang sa ngayon ay tanging ako lang ang nakakaalam ng pangyayari kay Mommy at Daddy. Hindi ko sinabi ang nangyari kahit kanino, kahit sa Tita ko.

That memory still lingering in my mind. My two eyes saw how Mom begged Daddy to end her suffering because of her illness. Dad used a dagger to end Mom's suffering. After Dad cried for my late mother, Dad left a letter for me. After that, Dad hugged Mom and he followed Mom to the afterlife. He ended his life to be with Mommy. At ngayon ay magkasama na sila sa kabilang buhay, masaya na sila sa piling ng isa't-isa.

"Bye Mommy, bye Daddy. Sa susunod nalang ulit ako bibisita"

"Bluese?" nilingon ko si Eries.

"Let's go Eries."

Hinila ko na sya pabalik ng kotse at umalis.





Author's here,

Please po, hwag po muna kayong magreact ng masama kasi hindi pa po ito tapos. May special chapter pa po kasi ito.

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon