Chapter 22

7.2K 249 34
                                    

Secret Room

[Margaux's Point Of View]

Tahimik akong nakatulala sa kisame nang mapag-isipan kong magpalit ng pwesto sa kama. Bumuntong hininga muna ako bago humarap kay Blue.

Mahimbing itong natutulog habang nakaharap sa direksyon ko. Pina-inom ko kasi ito kanina ng pampatulog para naman makatulog kaagad sya.

Pinakatitigan ko ang kanyang gwapo at makinis na mukha at napadako pa ang aking mga mata sa may parteng noo nya na natatakpan ng bandaid.

Mag-iisang linggo narin nang makalipas ang nangyaring patayan sa isla. Minabuti namin nila Blue na isekreto ang nangyari.

Pina-asikaso ni Mommy Carolina sa mga tauhan nya ang mga katawan ng namatay na pulis at ibinigay naman ang katawan ni Alia sa pamilya nya.

Sinigurado ni Mommy Carolina na walang ibang makakaalam ng mangyayari at hanggang ngayon naman ay wala pang nagiging problema tungkol sa bagay na iyon.

Ipinaliwanag ko narin kay Pai ang mga nangyari, nung una ay hindi ito makapaniwala at medyo nahirapan ito na tanggapin ang totoo. But then, nanahimik nalang ito at pinalakas pa nya ang loob ko.

The truth is, wala akong naramdaman na ano mang konsensya nang mapatay ko si Alia. Siguro dahil normal nalang sakin na makitang pumatay si Blue at dahil narin sa ginawa nya sa asawa ko.

I took a deep sigh bago inilapat ang aking kanang kamay sa kaliwang pisnge ni Blue. Pinaglandas ko ang akong mga daliri sa kanyang cheekbone pababa ng kanyang labi.

"I love you Husband" mahinang bulong ko.

Walang ano mang pag-aalinlangan akong nararamdaman, siguro nga mahal ko na talaga si Blue. Hindi naman mahirap mahalin ang isang Blue Arcane Montemayor eh.





Maaga akong gumising para ipagluto ng breakfast si Blue. Simple lang ang niluto ko. Fried rice, eggs, bacon at tsaka toasted bread na tinernuhan ko ng lemon juice.

Dala-dala ko ang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain na niluto ko kani-kanina lang, kasalukuyan akong naglalakad papunta sa kwarto namin ni Blue at saktong nakasalubong ko si Mommy Carolina.

"Good morning Mommy"

"Good morning ihaj" ngumiti ito ng malawak nang makita ang dala ko.

"Is that for my son?"

"Opo, nasa kusina naman po ang inyo. Kumain narin po kayo"

"Salamat ihaj. Hulog ka talaga ng langit" ngumiti lang ako at bahagyang yumuko bago nagpatuloy sa paglalakad.

Paghinto ko sa tapat ng pinto ng kwarto namin ni Blue ay pumasok kaagad ako at inilapag sa kama ang tray na dala-dala ko bago umupo sa may gilid ni Blue.

"Husband?" bahagya at maingat ko itong niyugyog. Medyo natagalan bago ito nagmulat ng mata.

"Wife?"

"Good morning my handsome Husband" nginitian ko ito bago hinalikan sa pisnge.

"Good morning rin my beautiful Wife" gumanti ito ng halik sakin pero hindi lang sa pisnge kundi sa labi pa.

Konting-konti nalang talaga at magiging adik na ako sa labi ni Blue. Napakalambot na nga, makinis at madulas pa. Halos nasa kanya na ang lahat.

"Hey, is these for me?" nakangiti ito habang nakatitig sa pagkain na dala ko.

"Yup! Now, sit down at susubuan kita"

"Really? Pero wala naman akong sakit ah?"

"So, ano kung wala? Gusto ko lang maglambing sa napakagwapo kong asawa. Bawal ba?"

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now