Chapter 30

6.7K 234 18
                                    

The Serial Killer's Downfall

[Margaux's Point Of View]

Sa loob ng anim na buwan ay napuno ng takot ang puso ko para kay Blue. Sa loob ng anim na buwan ay unti-unting lumalabas sa publiko ang katotohanan tungkol sa pagkatao noon ni Blue.

Ang babaeng nakita ko sa Mall na kinukuhanan ng litrato si Blue ay ang babaeng lumantad sa madilim na sekreto ng asawa ko.

Kumalat na kung saan-saan ang video ng pagpatay ni Blue noon sa isang lalaki. Hindi nakuhanan ang mukha nito at tanging likod lamang.

Pero pinanghahawakan ng babaeng iyon ang medyo malaking balat ni Blue sa kanyang leeg. Siguro hindi ko nabanggit ang tungkol sa balat ni Blue pero meron sya nun at sa kasamaang palad ay nakuhanan iyon ng litrato ng babaeng nagsiwalat ng pagkatao ni Blue.

Bakit ganito? Bakit kung kailan naman nagbagong buhay na si Blue ay ngayon pa nangyari ang bagay na ito? Pinagsisihan na nya ang mga kasalanan nya eh.

"Ahhhh" napahawak ako saking tiyan nang makaramdam ako ng kirot.

"Wife, are you alright?" tanong ni Blue at inalalayan akong humiga ng ayos sa kama.

"Medyo kumirot lang iyong tiyan ko"

"Sumisipa pa si baby?" nakangiting tanong ni Blue at hinaplos ang tiyan ko.

Tumango nalang ako kahit hindi naman sumipa ang baby sa tiyan ko para hindi ito mag-alala ng sobra sa kalagayan namin ng anak nya.

Habang hinahaplos nito ang tiyan ko ay hindi ko maiwasang maluha dahil nagagawa pa nyang ngumiti matapos ng panghuhusga ng mga tao sa kanya sa publiko.

"Wife, why are you crying?" nag-aalalang tanong pa nito habang pinupunasan ang luha saking pisnge.

"Blue, natatakot akong mawala ka samin ng anak natin. Bakit ngayon pa kumalat sa publiko ang nakaraan mo kung kailan magkakapamilya kana? Pinagsisihan mo na iyon diba pero bakit nangyayari sayo ito?"

"Hush now Wife. Everything will be alright"

Isinandig nito ang ulo ko sa kanyang balikat at tila nabawasan ang takot at kaba na nararamdaman ko. Sana lumipas nalang ang problema na ito.





Lumabas ako ng kwarto namin ni Blue habang nagkakamot ng kanang mata. Alas sais palang ng umaga pero wala na si Blue sa tabi ko, nasan kaya iyon?

"Blue?" mahinang banggit ko sa pangalan ni Blue nang makita itong nanunuod ng TV.

Hindi na ako lumapit sa kanya at sumilip nalang mula sa second floor. Nanunuod ito ng balita, what the h*ll bakit sya na naman ang topic?

"Kasalukuyan parin pong pinaghahanap ng mga pulis si Mr. Blue Arcane Montemayor, ang tinaguriang serial killer na isa palang mayaman at makapangyarihang tao" hindi ko naituloy ang panunuod ng balita nang patayin na ni Blue ang TV.

Napabuntong hininga nalang ako. Mabuti pa sigurong hindi ko nalang muna sya lalapitan dahil baka gusto nya munang mapag-isa.

Tatalikod na sana ako nang makarinig ako ng mahinang hikbi. Nilingon kong muli si Blue at ganon nalang ang gulat ko nang makitang nakayuko ito habang yumuyugyog ang magkabilaang balikat.

Hindi ko napigilan ang aking mga sariling paa at kaagad na tumakbo palapit sa kanya at sinunggaban sya ng yakap mula sa likod na ikinagulat nya.

"Wife" mahinang usal nito sa pangalan ko.

"Husband, sige lang iiyak mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Nandito kami ni baby para damayan ka"

Hindi ito sumagot at basta nalang humagulhol. Niyakap ko ito at isinandig ang kanyang ulo saking balikat. Nakakapanghina ang makitang ganito si Blue pero kailangan kong magpakatatag dahil ako nalang ang makakapitan nya.





The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now