Chapter 5

10.7K 445 45
                                    

Montemayor Island

[Margaux's Point Of View]

Nakakunot ang aking noo nang imulat ko ang aking mga mata. Tumayo na ako saking hinihigaang kama nang tumama ang sinag ng araw saking mukha.

Isinarado ko iyong kurtina para matakluban ang sinag ng araw. Doon ko lang napagtanto na nasa loob ako ng kwarto na hindi ko alam kung kanino.

Masyadong madilim ang paligid kahit na umaga na. Puro black kasi ang kulay ng paligid. Black curtains, black bed sheet, black carpet, black walls, black shelves basta lahat black.

Kanino ba itong kwarto na ito? Hindi naman siguro takot sa liwanag ang may ari ng kwartong ito diba? As in all black lahat ng gamit rito.

"Good morning" mabilis akong napalingon sa lalaking kapapasok lang ng kwarto.

"Blue"

"Breakfast in bed" doon ko lang napansin na may dala pala itong tray kung saan nakalagay iyong pagkain.

"Ikaw ang nagluto?" tanong ko nang ilapag nya iyong tray sa kama.

"Yup!" proud naman na sagot nito.

Umupo na ako sa kama at nang tignan ko ang pagkain ay napataas ang kilay ko. Hindi na yata ma-ipinta ang hitsura ko pagkakita sa pagkain.

"Don't you like it?"

Napailing-iling ako dahil sa naging tanong nito. Tinatanong pa talaga nito kung hindi ko nagustuhan iyong luto nyang sunog na sunog.

"Sa tingin mo ba ay makakain ko ang mga ito?"

"What?! Mukhang masarap naman ah?"

Napa-awang ang labi ko dahil sa sinabi nito. Mukhang masarap? Eh halos maging abo na ang mga niluto nyang pagkain dahil sa sobrang sunog.

"Taste it" sabi ko bago inabot sa kanya iyong tinidor.

Tinanggap naman nya agad iyong tinidor na inaabot ko at tinusok iyong hotdog na niluto nya at  agad rin nitong kinagat.

"Pweh!" mabilis nitong iniluwa doon mismo sa plato iyong kinain nya.

Napatawa tuloy ako. Kadiri pero nakakatawa. Isinuka nya ang sarili nyang nilutong pagkain. May pasabi-sabi pa syang masarap.

"Oh, tubig" inabot ko sa kanya iyong warm mineral water na nakalagay sa baso.

"Thanks"

"Hindi ka naman pala marunong magluto pero nagluto ka parin"

"I thought I can cook" sabi pa nito at kumamot sa ulo.

"Akala mo lang iyon. Saan ba ang kusina, ako na ang magluluto"

"Talaga?" ngumiti ito ng malawak na syang nagpatibok ng malakas sa puso ko.

Pasekreto akong napamura. Alam ko na iyong ganitong pakiramdam eh. No, ayukong mafall sa katulad nyang mamamatay tao.

"Halika, nandito ang kusina" sabi nito at binuksan ang pinto ng kwarto bago lumabas.

Kaagad ko naman itong sinundan. Namangha pa ako nang makita ang napakahabang corridor at ang napakataas na hagdan papunta sa sala.

"Mansion ba ito?"

"No, this is just a simple house"

Napa-awang bigla ang bibig ko na halos pasukan na ng langaw kung may langaw man dito sa ganito kalinis at napaka-aliwas na bahay daw. Bahay lang ba talaga ito, eh bakit parang mansion na sa sobrang laki eh.

"Teka, nasan na ba ang kusina?" tanong ko ulit.

"Follow me" nabigla nalang ako nang hawakan nito ang kanan kong kamay.

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now