Chapter 11

8.7K 346 15
                                    

Her Game

[Carolina's Point Of View]

I wake up so early and the first thing that pop up to my mind is to cook for my son. Matagal-tagal narin nung ipagluto ko ang anak ko na si Blue.

Ilang taon narin ang nakakalipas nang paglingkuran ko ito bilang anak ko. Ilang taon ang nasayang para maging isang mabuting ina ako sa kanya.

Inaamin ko naman na kasalanan ko ang lahat. When his Dad and little sister died, pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko kaya nabalewala ko ang anak ko.

Pero siguro naman ay pwede pa akong bumawi sa kanya? I guess it is not too late para maging mabuti nitong ina? I'll do anything just for him to forgive me.

I took a deep breath bago lumabas ng banyo. I cheer myself up at lumabas na ng kwarto ko at nagtungo sa kusina.

Ipinahanda ko na kay Manang Posa ang mga gagamitin kong ingredients sa pagluluto ng favorite foods ng anak ko every breakfast.

There's hotdog, fried rice and creamy omelet. I was about to start when my eyes wide open. Pumasok kasi bigla si Blue.

"S-son, ang aga mo namang nagising?"

"I have something to do Mom" sagot nito at binuksan ang ref.

Wait a minute, did he just called me Mom? Bigla akong naluha nang mapagtantong tama ang narinig ko. This is so impossbile.

"A-anak, what did you call me?" humarap ito sakin.

"Mom" pag-uulit nito na nagpahagulhol sakin.

He was just eight years old nang huli nya akong tawagin na Mom. Sobrang sarap sa pakiramdam na ganon na ulit ang tawag sakin ng anak ko.

"Mom, I am still mad at you. But my wife talk to me. She will be mad kung hindi daw ako makikipag-ayos sayo"

Napangiti ako at napapunas ng luha. Akala ko ay mas makakasama sa anak ko ang pagdating ng babaeng iyon, pero mukhang nagkakamali ako. This is the first time na makita ko si Blue na nakikinig sa ibang tao.

"Anak, sabihin mo lang kung anong dapat kong gawin para mapatawad mo ako"

"Help me to cook for my wife" sagot nito na nakapagpangiti sakin.

That's my son.

[Margaux's Point Of View]

Nakakunot ang aking noo habang nakapikit ang mga mata at sumisinghot-sighot pa ang aking ilong.

I smell something na napakabango at nagpapalaway sakin. Nakangiti kong iminulat ang aking mga mata.

Bumungad sakin ang nakangiti na mukha ni Blue na may hawak na tray kung saan nakapatong ang medyo mainit-init pang pagkain.

"Breakfast in bed, Wife" nakangiting sabi nito at ipinatong sa kama iyong tray.

Umupo ito sa harapan ko at ako naman ay tinignan ang mga pagkain. Napangiti ako dahil hindi na katulad nung nakaraang pagkain ang apperance nito.

"Ikaw ang nagluto?" nakangiting tanong ko.

"Yup!" proud nitong sagot bago dinampot ang kutsara.

"Taste it!" ito na ang dumakot ng pagkain bago itinapat sa bibig ko iyong kutsara.

"Hindi pa ako nakakapaghilamos at nakakapag-mumog e----" mabilis nitong sinubo iyong pagkain sa bibig ko kaya hindi ko naituloy ang dapat kong sasabihin.

"Not so bad" sabi ko kahit na sa totoo lang ay medyo maalat iyong omelet at medyo hilaw pa iyong kanin.

"So, paano ka pala natuto na magluto?" natatawang tanong ko.

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon